Pero nakuha ni Mama yung atensyon ko don...
‘He’s someone that you know.’
Lalo tuloy tumindi yung kakaibang feeling na umiikot sa loob ng dibdib ko ngayon.
At lalo akong nacu-curious...
Sino kaya siya?
*********** After a few minutes...
Napatingin ako sa harapan...
Tumigil kami sa labas ng isang malaking gate...
May guard na lumapit sa may driver at kinausap ito.
“I’m Evelyn Villamayor,” sabi ni Mama.
“Welcome ma’am,” sabi nung guard.
“Thank you..” Mama
May sinabi yung gwardya sa walkie talkie niya. Maya-maya lang ay bumukas na yung malaking gate.
Pumasok na yung kotse namin.
Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid.
Ang lawak talaga ng lugar... Para siyang hacienda...
Sa di kalayuan, may natanaw akong isang malaking mansyon.
Umikot yung kotse dun sa may fountain at tumapat sa engrandeng double door ng mansyon.
Bumaba yung driver at pinagbuksan kami ng pintuan.
Unang bumaba si Mama, sumunod ako tapos si Papa.
Medyo makati yung suot kong flesh dress, tapos may ribbon pang ka-ek ekan sa ulo. Psh. ( = __ = ) Hindi tuloy ako komportable...
YOU ARE READING
GIRLFRIEND 4 SALE [fin]
Teen Fiction"Love knows no money and status." G4S Book 1 © All Rights Reserved. Nagpasya si Angel Cassidy Villamayor na talikuran ang marangyang buhay na kinagisnan noong binalak siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa taong hindi niya mahal, or worse, kilal...
Chapter FORTY-TWO --> Her Fiancé <--
Start from the beginning