Chapter 48: My fault.

Start from the beginning
                                    

“Oh, damn!” Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sinabi ko. Kinagat ko ang labi ko. “You really know how to do it.”

Hindi ko na masyadong naalala ang sinabi ni Tita Anna sa’kin. Nawala lahat ng pangamba ko don nang maging ayos kami ni Dana. Halos araw araw ulit kaming magkasama. Ilang pa rin siya kay Royce dahil sa mga nangyari dati at humihingi siya sa’kin ng tawad kapag ganon. Madali ko namang naiintidihan kung bakit. Siguro nga ay minahal niya lang talaga si Royce.

Natapos ang sem at na-maintain ko naman ang pagiging Dean’s lister. Ganon din si Royce. Syempre hindi rin mawawala ang mga kaibigan ko. Sabay sabay naming c-in-elebrate yon. Hindi sumama si Royce non dahil gusto niyang bigyan kami ng time na magkasama sama nina Nami dahil halos buong oras ay siya ang kasama ko.

Sabay sabay kaming nagpa-pre reg para sa second sem. Syempre kami kami parin ang magkakaklase. Dahil block section kami, hindi na kami nahirapan na kumuhang schedule.

Sa sobrang bilis ng araw, hindi ko namalayan na malapit na pala ang Christmas. Nandito kami sa mall ni Dana para mamili ng regalo. Hindi ko sinabi ito kay Royce dahil ayokong kulitin niya ko sa ireregalo ko sa kanya. Gusto kong surprise yon.

“Hirap kasing bilhan ng regalo ang mga lalaki eh.” Sumimangot si Dana bago ininom ang wintermelon milktea niya. “Ang tagal na natin dito sa mall pero hindi ko pa nabibilhan si Kuya Dino.”

“Cap nalang kaya?”

“Hay! Mukhang iyon nalang talaga ang mabibili ko. Ikaw? May ibibigay ka na ba sa boyfriend mo?”

“Wala pa rin akong maisip eh.” This time, ako naman ang napasimangot. “Kapag tinatanong ko kasi siya, puro kalokohan lang ang sinasagot.”

“Mag-customize ka nalang. Samahan kita sa Expressions o kaya NBS. Dun ka nalang bumili ng materials, sigurado akong magugustuhan niya yon. Kapag hindi, batukan mo.”

Ngumiti ako. Tumawa naman siya. Maya-maya ay tinuro niya ang phone ko na nasa ibabaw ng table.

Royce calling…

“Sagutin ko lang.” Sabi ko kay Dana. Ngumiti siya bago tumango. “Hello?”

“So, where’s my girl?”

“Bakit mo ko hinahanap?”

“Miss you.” Tumawa siya. “Don’t you miss me?” Naramdaman ko ang pagpula na naman ng pisngi ko. Pag tingin ko kay Dana, lalong lumawak ng ngisi niya.

“Nagkita tayo kahapon.”

“Okay. Sabi ko nga hindi mo ko namiss.” Pagtatampo niya. “Sasagutin mo na ba ang tanong ko? Na’san ka?”

Hindi ako nakapagsalita agad nang kinulbit ako ni Dana. “Cr lang ako.” She mouthed. Tumango ako sa kanya. Tumayo siya bago dumiretso sa cr.

“I’m with Dana. Naggagala kami. Why? May pabibili ka ba?” Hindi pa rin siya masyadong tiwala kay Dana. Takot pa rin siya sa maaaring mangyari. Na-trauma na yata ang loko.

“Yep.”

“What?”

“One Skyla Hailey, please?”

Just Like BeforeWhere stories live. Discover now