It was scary. Buti nalang, ligtas ako. Kahit medyo nanghihina ako.

“Wala ka bang sasabihin manlang, Jasper?” Madiin na tanong ni Jaycee sa Jasper na nakapikit. So, gising siya?

Napa tingin akokay Jasper and our eyes met, I froze. Tinignan niya ako ng ilang Segundo bago tumayo at tumungo sa pintuan. Hinawakan niya ang door knob at binuksan. But before he stepped out, he said, “Sorry.” And then he was gone.

Saglit akong hindi naka hinga. What was wrong? Nag sorry lang siya Nia, walang big deal.

“Mag ingat ka na sa susunod.” Sabi sa akin ni Caleb at binigyan ako ng mansanas na nanggaling sa isang fuit bowl sa side table ng kama ko. “Kumain ka na. Ang tagal mong tulog kaya sigurado akong gutom na gutom ka.”

“Bakit? Gaano ba ako katagal na walang malay?” Kunot noo kong tanong habang kinakain yung apple na binigay niya. Matamis.

“Mga tatlon araw lang.” Simangot ni Jaycee at tumayo na. “Aalis na ako, ayokong mag tagal pa dito. Tss.”

Hindi na kami nakapag babye pa ni Caleb dahil nag laho na siya na parang bula. Nagulat pa nga ako nung una pero nag sink in din sa akin na hindi nga pala normal ang mga kasama ko.

Naka ngiting naupo si Caleb sa isang mono block na upuan sa tabi ko, “Napaka in-denial talaga ni Jaycee kahit kailan, nag mana sa Kuya niyang asungot.”

Dahil doon ay nacurious ako, “Anong ibig mong sabihin Caleb?”

“Si Jaycee ang naka kita sayo at kay Jasper sa likod ng Senior uilding and when I saw her, alalang alala siya sayo. Siya ang nag alaga at tumingin sayo dito sa mga oras na wala kang malay.” Saglit akong natahimik at napa tingin sa mansanas na hawak ko. “She’s really worried pero ayun nga, masyadong ma-pride. Pero deep inside, gusto naman niyang makipag-kaibigan sayo.”

“Friends naman kami ah.”

“Nah, she thinks you hate her because the first time you two met was not pleasant. Tinarayan ka niya kasi dati, kaya akala niya, ayaw mo sakany.”

Huh? “Ganun pala ang iniisip niya.”

“Pero, okay ka na ba?”

“Okay naman.” Naka ngiting sagot ko. “Medyo hindi ko magalaw yung leeg ko pero mukhang makaka-manage naman ako.”

“Mabilis gagaling yan dahil ginamot ka ni President.”

Napa tingala ako dahil sa sinabi niya, “Ta-talaga?”

“Oo.”

I should thank him, for doing that. And… And I should ask Jaycee to be friends with me. Matagal ko na talaga siyang gustong maging official na kaibigan eh.

**

“Okay ka na ba talaga? Wala na bang masakit? Baka may sinat ka pa? Baka mawalan ka na naman ng malay? Wala bang binigay na gamot yung nurse?” Parang basura kung mag tapos ng tanong sa akin si Aly. Sunod-sunod!

Pag tapos ng ilang oras sa clinic nung nagising ako, pinalabas na din ako ng Nurse dahil kaya ko namang pumasok na para bukas. Hinatid ako ni Caleb sa harap ng Dorm building matapos nun at heto si Aly, sa gitna ng pag gawa niya ng mga assignment, dumating ako at tinapunan na ako ng tanong.

Naupo ako sa gilid ng kama ko at kinapa ang leeg ko. Ang bilis nawala ng sugat ko, mabuti nalang.

“Uy!”

I sighed, “I’m fine, Aly. Okay na okay ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo nga. Gumawa ka nalang diyaan ng assignments, wag mo na akong alalahanin.”

Ayaw na ayaw ko ay ang masyaodng madaming atensyon ang binibigay sa akin. Hindi ako ganun kahina. Kaya ko naman ang sarili ko. Mang hihingi naman ako ng tulong kung hindi ko kaya.

Matapos nun ay nag shower ako saglit. Binabad ko ang katawan ko sa maligamgam na tubig hanggang marelax ako. Ilang oras akong nakababad at nang matapos ako ay agad akong nag pajamas at natulog na.

Kinaumagahan ay pumasok ka-agad kami ni Aly. Sa hall way ay nakita ko si Jaycee na nag lalakad mag isa. Isang tingin niya lang satao ay mabilis itong umiiwas kaya center of attraction siya. Maganda naman kasi si Jaycee kaya no doubt, madaming nag kakagusto sakanya.

“Mauna ka na Aly, kauusapin ko lang si Jaycee.”

“Oh sige.”

Tumakbo ako sa hallway para maabutan ko siya. At nang mapansin ako ni Jaycee ay automatic na napa taas ang kilay niya.

“Oh!? ANong kailangan mo!?”

Ngumiti ako at mabilis na kinuha ang key chain sa bag ko—kaparehas ito ng key chain na ibinigay ko kay Aly dati. “Gusto ko lang ibigay sa’yo ‘to.”

Hinawakan niya yung key chain na para bang basura ito, “What’s this? Anong gagawin ko dito?!”

Ilang minuto nalang ay mag be-bell na kaya mabilis ko nalang in-explain. “It’s the proof na mag kaibigan tayo. Salamat nga pala sa pag babantay sa akin sa loob ng tatlong araw nung wala akong malay. Bye.”

Pag takbo ko ay pumasok ka-agad ako sa classroom at saktong nag bell at kasunod ng pumasok si Sir. Gummy. Nakita niya ako at saglit na napa tulala, matapos ay napa ngiti din.

“Good morning class.” Bati niya.

Lahat kami ay tumayo, “Good morning Sir.”

Lashton Academy: School of VampiresWhere stories live. Discover now