#1: How it all started

6.5K 206 7
                                    

#1: How it all started

“Naka tingin na naman siya sa’yo, Nia.”

Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Aly. Nag focus lang ako sa librong hawak-hawak ko habang naka upo kami parehas sa sarili naming upuan. Medyo maaga pa kaya wala pa ang home room teacher namin kaya napag desisyunan kong mag basa nalang muna habang nag babasa.

Pero hindi ko naman akalaing ganito siya ka-aga pumasok. Akala ko mas maaga kami ni Aly. Ayun pala, siya ang palaging nauuna dito sa room namin. Parang dito na nga siya natutulog eh. Pero imposible naman yun—ano pa ang purpose ng dorm kung hindi naman siya doon nauwi? Tsyaka may guards na nag lilibot dito sa Campus tuwing tapos na ang klase kaya imposibleng dito siya natutulog.

Mukhang natahimik na ang diwa ni Aly. Kinuha nalang niya ang IPod niya at nag soundtrip. Hinawakan ko ang libro ko ng hindi ako mahahalatang nasilip. Sinilip ko siya.

Mabilis ko ding binawi ang tingin ko nang mahuli niya akong nakatingin sakanya. Bigla na naman akong nanlamig. Ang weird niya talaga—palagi niya nalang akong tinitignan. Hindi niya ba alam na nakaka takot ang mga mata niya? Bukod kasi sa bihira siyang mag salita, talagang malamig ang boses niya—kasing lamig ng mga mata niya.

Nang mahuli ko siyang naka tingin sa akin, napa iling nalang ako; hindi na kasi ako makapag focus sa binabasa ko. Stalker ba siya? Eh kasi naman, nakaka inis na. Kahit sa cafeteria, sa pag labas ko sa ladies’ washroom at pati na din sa tuwing may klase, nararamaman ko ang tingin niya. Kahit ang mga kaklase ko ay napapansin yun pero mukhang wala naman siyang pakielam.

“Alam mo, kung may kailangan ka o kung may gusto kang sabihin, mag sabi ka agad. Hindi yung halos buong taon mo ako titignan na parang tanga.”

Napa-singhap si Aly sa sinabi ko at mukhang natigilan din si Jasper Anders sa sinabi ko. Nakaka-irita na din kasi.

Pero parang wala siyang narinig, parang nang aasar pa nga. Dahil napansin kong naka titig parin siya, sinamaan ko na siya ng tingin nung lumingon ako, “Hindi mo ba talaga tatanggalin ang tingin mo sa akin?”

“Nia…” Sinubukan ni Aly na pigilan ako. Pero kilala naman niya ako; hindi ako basta-basta ng aaway unless talagang ayoko na at naiirita na ako.

“Scared-y cat.”

Natigilan kaming parehas ni Aly sa sinabi niya. Hindi kasi siya usually nag sasalita; kahit tuwing tinatawag siya ng teacher namin para sumagot ay hindi siya kumikibo. Pero narinig na namin ang boses niya, once.

Scared-y cat? Napa-yukom ang mga kamao ko ng wala sa oras. Alam kong babae ako at oo, may kinatatakutan ako. Pero, “Hindi ako takot sa’yo.”

Tulad ng dati, hindi na ulit siya nag salita. And this time, sumadal na siya sa kinauupuan niya at pumikit na parang matutulog siya kahit maya-maya lang ay mag uumpisa na ang klase.

“Ki-kinausap ka niya…” Hindi makapaniwalang untag ni Aly. Tumango lang ako, sinara ang libro na binabasa ko at huminga ng malalim. Wala lang yun Nia, kinausap ka lang niya. Nang aasar lang. No big deal.

Hindi din naman nag tagal ay dumating na ang ilan naming mga kaklase kasabay ng pag dating ng home room teacher namin which is ang Science teacher din namin.

Parang bumaliktad na ang mundo; kung dati si Jasper Anders ang naka titig sa akin buong klase, this time, ako naman ang nag mamasdan sakanya na parang tanga. Pinag masdan ko yung tenga at buhok niya dahil yun lang naman ang masusulyapan ko mula sa kinauupuan ko. Naka talikod siya, naka sandal sa arm chair niya at natutulog. Tulad ng sabi ng karamihan, gwapo nga itong si Jasper Anders; mukha siyang Greek God. Bagay na bagay sakanya ang mukha niya

Lashton Academy: School of VampiresWhere stories live. Discover now