#4: Explanations

2.9K 151 16
                                    

Hi guys! Short lang ito haha :) Sorry sa mga typos okay? Enjoy!

#4: Explanations

“Nia, nakita kong pumunta dito si Sir. Gummy, nakita mo ba siya?” Pilit na sumisilip sa likod ko si Aly pero hinarangan ko siya at ngumiti nalang.

“Oo, nakita ko nga siya pero umalis na siya eh,” pag dadahilan ko. Pag tapos niya akong babalaan ay pumasok si Sir. Gummy sa loob ng LashtonForest, hindi ko natanong dahil hindi ko na siya nahabol. Ang sabi niya lang sa akin, may maimportante pa akong gagawin bumalik ka na sa dorm mo.

Nakita ko ang pagsimangot ng mukha ni Aly, “Sayang naman. Gusto ko sanang mag pakilala.”

“Pwede namang bukas, first class natin siya diba?”

Ngumiti na siya, “Oo nga pala. Sige, tara na sa dorm.”

Habang nag lalakad kami papunta sa dorm building namin ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Poprotektahan daw ako ni Sir. Gummy sa kahit na anong hamak, dapat ba akong matuwa o dapat akong matakot dahil siguradong may masamang mangyayari?

Pero ang mas nakapag tataka, bakit naman siya ipapadala ng nakakataas (Yung mga ministries of blood ng mga vampires) para protekatahan? Dahil ba nalaman ko ang sikreto? Ganun ba ‘yun? Hindi ba dapat pinapapatay ako dahil hindi din tinanggal ang memorya ko?

I sighed deeply when I realized, hindi din naman pala masasagot ang mga katanungan ko unless itanong ko ito kina President o kaya kay Sir. Gummy.

Papasok na sana kami ni Aly sa loob ng building nang may maramdaman akong maliit na bato na tumama sa braso ko. Napa lingon ako sa kaliwa dahil doon nanggaling iyon. Nakita ko si Vice President which is Caleb na nasa gilid ng Freshman building, naka titig siya sa akin na para bang sinasabi niyang punatahan ko siya.

“Aly, teka lang ha?” Pag papa-alam ko. “May nakalimutan kasi akong gawin, mauna ka na.”

“Ah, oh sige. Bilisan mo lang.” Tumango ako at tumungo kung nasaan si Vice.

Hindi siya naka school uniform ngayon at napansin kong may hawak siyang isang baril. Nang Makita ko yun ay mabilis akong napa-atras, “Ba-bakit ka…”

“Wala akong balak ipahamak ka.” Sincere na sabi niya sa akin. “Dala-dala ko ‘to dahil sa pag lubog ng araw, mas madaming ma-aaring lumabas na mga Asterus. Gusto ko itong ibigay sa’yo.”

Napatitig ako sa baril na hawak niya; tulad ito ng baril na ginamit kanina ni Sir. Gummy sa pag patay ng Asterus. “Bakit mo ibibigay sakin ‘to? Hindi naman ako marunong gumamit niyan eh.”

Saglit siyang ngumiti, “Pangproteksyon lang. Ito na din ang regalo ko sayo dahil niligtas mo ako.”

Doon naman ako nag taka, “Niligtas? Kailan ba kita niligtas?”

“Remember what you saw in LashtonForest? Kung hindi ka nangakong hindi mo ipag kakalat ang nakita mo kay President Zach, baka wala ako ngayon dito—baka patay na ako ng mga oras na iyon.” Kinuha niya ang kanang kamay ko at nilahad ang materyal doon. “Kaya gusto kong ibigay sayo to para sa mga oras na mapahamak ka, may proteksyon ka.”

Tumango ako at ngumiti, “Salamat Vice—“

“Wag kang mag thank you, ako dapat. At Caleb nalang ang itawag mo sa akin.”

Na-alala ko bigla yung sa cafeteria—yung kinakausap siya ni Sir. Gummy kaya mabilis akong nag tanong, “Uhm Vi—Este Caleb, pwede ba akong mag tanong?”

“Anything.” Naka ngiting sagot niya naman.

“Kasi kanina si Sir. Gummy—“

“Ah, si G?” Saglit siyang napasimangot, “He’s a blood hunter. Pinapatay niya ang mga kahit anong nilalang na nanakit sa mga mortal. Kinausap niya ako kanina tungkol sa’yo.”

“Sinabi niya sa akin na pinadala siya ng mga nakaka-taas para protektahan ako, anong ibig niyang sabihin doon?”

“Pinoprotekathan niya ang nalalaman mo. Sa oras na malaman niyang may pinag sabihan ka ng sikreto, hindi siya mag dadalawang isip na patayin ka.” Nanlamig ako sa sinabi niya. Papatayin? “At dahil madami ka ng alam tungkol sa amin, no doubt, madadamay ka din sa mga pahamak. Kaya mas mabuti lang na nandito siya.”

“Eh si Jasper, anong meron sakanila ni Sir. Gummy?” Hindi ko na napigilang itanong pa. Mag hapon ko siyang hindi Makita dahilan nang pag dating ni Sir. Gummy.

Saglit na natahimik si Caleb bago sumagot, “Let’s just say, hindi naging maganda ang samahan nila dati…”

Matapos ang pag uusap namin ni Caleb, naka tulog ako ng maayos. I wonder, binabantayan parin kaya ako ni Sir. Gummy hanggang ngayon?

Lashton Academy: School of VampiresWhere stories live. Discover now