#6: Friends?

2.7K 139 3
                                    

Un-edited po ito kaya sorry sa mga typos at wrong grammars ko!  :)

#6: Friends?

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Pamilyar ang mga boses nila at parang galit na natataranta sila kung mag usap. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa sakit ng katawan at ulo ko. May naramdaman akong tela na naka dikit sa kaliwang bahagi ng leeg ko at nang gumalaw ako, nabanat ang balat ko at napa-daing ako.

“Nia? Nia!” Naramdaman kong may pumunta sa tabi ko at pinilit kong mag mulat. Nakita ko si Aly na halos paiyak na habang tinitignan ako. Worry is plastered on her face. “Nia! God, I thought matatagalan pa bago ka magising!”

Napa-kunot ang noo ko. Matatagalan? “Ano ba ang nangyari? Bakit…” Napatingin ako sa paligid ko. I was inside the clinic. Nasa loob si Jaycee at Caleb at sa isang couch, naka upo si Jasper na naka pikit. “…Bakit nasa clinic ako?”

“Ang sabi nila Jaycee, natagpuan ka daw na walang malay sa likod ng senior building.” Malumanay na sagot sa akin ni Aly. Senior building? “Ano ba ang ginagawa mo doon sa oras ng October fest Nia? Nag alala ako.”

Parang hangin na bumalik sa akin ang mga nangyari. Si Jasper. Ang tagal nyang nawala at nang natagpuan ko siya, he tried feeding on me. Yun lang ang na-aalala ko, hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng malay at ngayon, nandito na sa clinic. Biglang kumirot ang ulo ko at napahawak ako doon.

“Mabuti pang mag pahinga ka muna.” Biglang sumingit si Caleb nang mapansin niyang nahihirapan ako. “Uhm, Aly, right? We should let her have her time. Mukhang inaalala niya pa ang nangyari.”

“Oo nga. Tsyaka may klase ka pa diba?” Sinubukan ni Jaycee mag-tunog mabait pero in the end, she sounded rude na para bang ayaw niyang nakikita si Aly.

Wala din namang nagawa si Aly kundi tumango, “Sige Nia, papasok na ako. Don’t worry, sasamahan kita mag lunch dito.”

Pagka-alis na pagka-alis ni ALy ay hindi ko na napigilang mag tanong, “Anong nangyari? Bakit ako nawalan ng malay? At…” Napa sulyap ako sa likod ni Caleb kung saan naka upon g tahimik si Jasper. Hindi gaanon kahalata dahil naka white t-shirt siya pero nakita kong may bandage siya sa katawan niya. “…bakit sugatan si Jasper?”

Naka taas ang kilay ni Jaycee nang sumagot, “Well, wala naman gaano. Tanga lang talaga ang kapatid ko dahil nag tangka siyang kagatin ka. Pero hindi natuloy, kaunti lang ang naging sugat mo.”

“Pero bakit ako nawalan ng malay?”

“It is normal.” Nag iwas tingin sa akin si Caleb. “You’re in the middle of process turning into an Asterus Level F. Gladly, hindi natuloy dahil walang napasang venom sa’yo si Jasper.”

Napa-tingin ako kay Jasper. His eyes we’re still closed at hindi ko alam kung gising ba siya o tulog. He’s hard to predict…

But the fact is, I was almost in danger because of him. Hindi ko maimagine ang sarili ko turning into an Asterus just like the girl I saw the other day.

Lashton Academy: School of VampiresWhere stories live. Discover now