Chapter 9-Welcome to Imperial palace Tokyo..

934 25 7
                                    

"Mahuhuli na tayo sa flight natin ang tagal mo makipag-usap sa lalaking iyon."inis at nakasimangot na wika sa akin ni Kenjiro.

Ang lalaking iyon na sinasabi ni Kenjiro ay si Bernardo Cuyote,ang love interest ni Franz. Siya ang kapatid ng target ni F na napatay kailan lang ni Yvonne the bitch. May nararamdaman akong kaunting inis sa Cuyoteng iyon pero ano pa ang magagawa ko hindi na mababago noon ang kapalaran ni F. F will be punish. She failed her mission. Huli na siya para hanapin si Franz at itanong ang tungkol kay Yvonne. That Benedicto painter sketch that ugly face of Yvonne. Ilang araw na nakalipad sa US si Franz. Inihatid pa namin siya nina Chey at Kat. Tinanong ko si Bernard kung bakit hindi si Chey o Kat ang nilapitan niya. Hindi ko alam kung maiinsulto ako,matutuwa o mayayamot sa sagot niya.

'i prefer the lesser evil i guess..'

Lesser evil? Hello,assassin kaya ako!

Pagkahatid namin kay Franz ay lumuwas na si Kat at Chey paalis ng Metro. Naiiyak ako noong ihatid namin si F. Akala ko ay pinatigas na ng ss ang puso ko pero hindi pa pala. Franz will be in hell there.

I sigh at the thought.

Ngayon naman ay may flight kami ni Kenjiro papuntang Japan. May business siya doon. Buti na lang at nandito pa ako noong umalis si F coz' i won't miss that.

Sa ngayon wala pa ulit nagtatangka sa buhay ni Kenjiro. Siguro ay natakot sa akin. My mind grin at that thought.

"Chill."

"Tss."nauna na siyang nagmartsa papunta sa kotse niya. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Dumiretso kami sa airport na pag-aari niya. Bukod sa airport ay may pier din siya. Transportation ang linya ng business niya.

Sumakay kami sa private chopper niya.

"Where to guys?"nilingon kami ng piloto na nakangisi.

"You again?!"bulalas ni Kenjiro.

"Hi Liam.."nakangisi kong bati sa kanya. I already expect him. Boss Leon said he'll fly us.

"Where's my pilot? Damn,i will fire him!"

"Ano bang problema mo? Liam could make it three hours and fourty minutes fly from Philippines to Japan from the total flight of four hours and fourteen minutes."

Liam is a jet fighter pilot just like Thor aside from being a hacker like me. He's good at flying no doubt about that. Noong una kong ma-experience makasakay sa chopper,plane na dala niya eh natakot ako talaga at ang malala ay nagsuka pa. Geez talaga iyong memory na 'yon. Turn off.

"Tss."inis na humalukipkip na lang si Kenjiro. Bahala nga siya may regla yata siya ngayon.

"Imperial Palace Tokyo."wika ko kay Liam na nilingon ako at sinaluduhan.

Sa Imperial Palace ang diretso namin. Doon kami tutuloy doon kasi nakatira ang Emperor na ama ni Kenjiro. Noong malaman ng emperor na pupunta siyang Japan ay sinabihan siyang doon na tumuloy.

Tuwang tuwa ako habang nasa ere kami. Parang sumakay na din ako sa ferry's wheel. Si Kenjiro ay panay naman ang mura at wagas kung makakapit kung saan na lang na ikinatawa ko.

My time estimation didn't fail. Nag-landing kami sa malawak na field ng palasyo sa loob ng tatlong oras at apatnapung minuto.

"Paano aalis na ako Uzerrete may mga kasamahan pa tayo na dadaanan ko sa may North Korea.."paalam sa akin ni Liam.

"Tagal.."wika ni Kenjiro siniko ko nga kaya napaigik buti at hindi pinansin ni Liam.

"Just call me and i'll be at your dispossal."sumaludo siya sa akin.

Marine Gals: Uzerrete Odelle[Complete]Where stories live. Discover now