I looked at him flatly.

"So bakit ka nandito?" walang buhay din na tanomg ko at pinag cross ko ang aking mga kamay sa harap ng dibdib ko.

"Celabrate nga, ilang beses ko pa bang uulitin 'yon?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"What I mean is... why? Bakit mag ce-celebrate?" Medyo tumaas na ang boses ko dahil ang gulo niyang kausap.

"Naalala mo ang sinabi ko sayo na sasakay tayo sa Ferris wheel?" I nodded nang maalala ko yung araw na pumunta kami sa amusement park.

"Anong gagawin natin doon?"

"To ride, of course." Napabuntong hininga na lang ako sa mga pinagsasasagot ni Ream sa akin.

"What if ayaw ko?"

"Sasama ka."

Wow? Hindi man lang ako binibigyan ng consent kung gusto ko ba sumama.

"Bilisan mo, magbihis ka na."

"Kakain muna ako, nagugutom na ako," nakanguso kong sabi dahil hindi pala ako nag tanghalian kaya gutom na talaga ko.

Hinila niya ang kamay ko at pinasok sa kwarto ko.

"Magbihis ka—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang marinig naming dalawa ang malakas na pag tunog ng t'yan ko. Senyales na gutom na ako.

Agad naman na namula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"Fine. Kumain ka muna."

Napangiti naman ako.

"Magluluto muna ako, diyan ka lang." Agad akong pumunta sa kitchen para magluto.

Adobong baboy ang niluto ko. May pork naman na ako sa maliit na refrigerator ko at may mga ingredients na rin.

Kanina pa kasi ako nag c-crave rito. At marunong ako mag luto dahil ako lang naman ang mag-isa sa buong apartment. Lahat ng bagay ay natutunan kong mag-isa.

Habang nagluluto ako ay tumambay naman si Ream dito sa kitchen at tahimik akong pinagmamasdan.

"Doon ka na lang, hintayin mo na lang ako. Pagkatapos kong kumain tapos maghuhugas lang ako ng pinagkainan ko, aalis na—" Naputol yung sasabihin ko nang makita ko si Ream na nakatingin sa niluluto ko at nag salita rin ito.

"Hindi mo papakainin bisita mo?" Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Atat ka kasing umalis, malay ko bang gusto mong kumain?" Tinuro ko pa siya habang nagsasalita ako.

"Ang bango kasi ng niluluto mo, it looks delicious."

I sighed.

"Oo na, saglit na lang ito. Diyan ka na lang sa lamesa mag hintay." He nodded at umupo sa may upuan at pumangalumbaba pa sa lamesa na naghihintay ng pagkain.

Nag handa na ako ng plato, kutsara, pati yung kanin at ulam.

Nagsandok ako ng kanin sa plato ko at gano'n din ang ginawa ni Ream. Kumuha na rin kami ng kanya-kanya naming ulam.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now