Kabanata 53

2.5K 85 7
                                    






"Who got 30?" Walang ganang tinaas ko ang kamay ko. Hindi pa rin nawawala sa utak ko ang nangyari kanina.

Paano nangyari yun? Isa-isang nagkakatotoo ang panaginip ko?

Bakit kilala ni Dwican yung babae?


Kaano-ano niya yun?


Magulo. Sobrang gulo.



"Darelle..." nilapitan ako ni Dwican.



"Pasensya ka na sa kanina ah? Kung anong nakita mo, kalimutan mo na lang. I mean wag. Itago mo na lang. In the future, maaaring may mangyaring hindi maganda kaya humanda ka. Kasama ka na sa sorority ni Dana dahil tumapak ka sa base ng mga Go. Iilan at pili lang ang nakakaapak sa base ng mga Go dahil ang mga ibang nakakatapak dito ay hindi tinatanggap at namamatay. At sa pagtapak mo kanina, doon namin nalaman na may potential at qualified ka pala. Maiintindihan mo rin ito pagdating ng panahon. Maraming gumagalang clan leader dito na hindi nalalaman ng karamihan. Tago ang pagkilos nila dahil kapag maraming nakaalam, ikamamatay nila iyon." Naintindihan ko na ngunit may gumagambala pa rin sa akin.



"Sino si Dana?"



"Hindi ko pwedeng sabihin dahil ikaw na ang makakatuklas niyan sa tamang panahon." (Oo sa book 2 hahaha. Charot. Segway)


-



Magdamag kong kasama si Dwican kaya puro tanong ako.


"Bakit nandun si Haguines?"


"Katulad ng sinabi ko sayo kanina, qualified si Haguines. Sa bawat miyembro ng clan, nabibigyan ito ng pangalan upang hindi malaman kung sino talaga sila." Talaga? So..



"Anong screen name mo?"



"Zero"


"May namatay na ba dito?"


"Oo isa."



"Sino?"


"Si Detrionne." Detrionne? Yun ba yung nasa puntod?


"Anong nangyari sakanya? Sino siya?"


"Kambal ko siya. Ayoko nang pagusapan ang lahat. Mahirap maghiganti. Makakasakit lang tayo na pwede natin ikamatay o ikapatay ng kapwa natin." Okay. Ibig sabihin.. Ever since, member na silang dalawa? Weh? Hindi ko pa rin maintindihan.


-


Lumipas ang mga panahon, naging malapit na ang loob namin sa isa't isa ni Kaede. Mas kumportable akong kasama siya kaysa sa mga lalaki kong kaibigan ngunit hindi pa rin naaalis sa utak ko yung sinabi niya na may kambal siya. Gusto kong malaman ang kwento tungkol sa kambal niya. Araw araw kasi akong ginagambala ng isipan ko...



Ngunit paano na? Paano kung..



"Ang lalim ng iniisip natin dyan ah." Biglang nangistorbo si Gabriel. Nakatulala pala ako sa kawalan.




"Bat ka nandito? Nakalock kaya yung rooftop. Pano ka nakapasok?" Oo kasi nilock ko yun. Ayokong may makakita sakin sa ganitong sitwasyon.



"May susi ako. I have duplicates of all your keys, even your locker key." Nakangisi siya sakin. Aba! Kaya pala nakakatanggap ako ng mga love letters na galing pa daw sa secret admirer kuno. Edi wow! Sa panget kong to? May magtatangka pa bang magsulat ng love letter sakin?



Panget Ako! Palag Ka?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang