Kabanata 13

25.4K 290 44
                                    

Wah! Ano daw?! Hindi na namin partner yung mga seatmate namin kasi may importante daw silang gagawin para bukas!? NOOO.

"Eh sino ng partner natin?" tanong ko ke Clyde.

"Yung partner mo daw papunta dito." sabi niya at natawa. ANO KAMO?! GUSTO NILANG MAMATAY?! ANO G*GUHAN?! BAKA GUSTO NILANG MALIBING NG BUHAY.

"NO." sabi ko sakanya. Ayokong maging partner ang kumain ng Blueberry Cheesecake ko. Lahat na lang ng kakainin ko, kakainin din niya. Bastus na bata. Walang manners.

"Ayaw mo pa? Huling araw na nga ng pagtotour natin dito sa Paris. Wag ng choosy." sabi niya sa tonong nang-asar.

"Manahimik ka nga Clyde!" sabi ko sakanya.

"Bat ka ba kasi galit?"

"Eh kasi nga kinain yung Blueberry Cheesecake ko!" inis kong sabi sakanya.

"Parang Blueberry Cheesecake lang tapos magagalit ka na? Gaano ba kahalaga yung pagkain na yun sayo?"

"Mahalaga." sabi ko. Oo, mas mahalaga pa sa pagmumukha niya!

"Mas mahalaga pa sakanya?" tanong niya sakin.

"Mas mahalaga pa sakanya." Hindi ko alam pero bigla akong nanahimik nung sinabi ko yun. >o<

"Hmm.. Hayaan mo na yun. Malay mo, mamaya bati na kayo. Yie." Pang-aasar niya sakin. Ah ganun? Kahit kelan, hindi kami nagbati niyan!

"Utut mo Clyde!" inis kong sabi sakanya. Lesheng araw. Ayoko na pumunta sa Paris. Minamalas ako.

"Hahaha. Ah basta, magkakabati rin kayo mamaya nyan. Tignan mo." sabi niya at umalis na.

Mamaya pang hapon ang tour namin. Hindi ko alam kung bakit mamayang hapon pa. Siguro naghihintay ng magandang scene sa pupuntahan namin?

Clyde Kelvin's POV

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now