Chapter 36 : Winter Fight

144 6 0
                                    

Chapter 36 : Winter Fight

NADIA

muli kaming nagpatuloy sa paglalakad sa nag yeyelong paligid. Nahihirapan na ako dahil sa lakas ng hangin, tila may bagyo pa yata.

"Malapit na ba tayo?" Nanghihina kong tanong sa kanila.

Nilapitan ako ni Flare at inalalayan. Ngunit ilang minuto pa ay tila nanghihina na talaga ang tuhod ko. Napaluhod ako sa lamig.

"You're so pale. Can we stop a bit?" Nilingon ni Flare ang kasamahan namin. Mabilis na dumalo saakin si Meissa at Aquacia.

Nakaramdam ako ng init sa noo ko, kamay iyon ni Flare. Nanginginig na ako sa lamig. Hindi ko talaga kaya ang sobrang lamig na panahon. Baka kung malakas ako ay kayanin ko pero ngayong nanghihina na ako ay hindi ko kaya ang lamig.

"There's a heat lake nearby. It might help her." Suhestiyon ni Frio at tumango ako. Narinig ko na ang sinasabi nitong heat lake. Even if the temperature is freezing, the heat lake remains it's hotness.

Natagpuan namin iyon sa gitna ng nagyeyelong kagubatan. Humarap ako sa mga lalaki at tinaasan sila ng kilay. I'm going in the water. Dont tell me they're going to watch me?

Tumalikod sila at naghubad na ako ng damit, hindi ko na inalintana sina Flare dahil hindi na bago iyon saakin. Lumublob ako sa mainit na tubig at doon lamang ako nakaramdam ng ginhawa. Parang nawala lahat ng panghihina ko.

I stayed there for almost a minute while the girls just took some on the small fountain for ourselves. Matapos magbabad roon ay maayos na ulit ang pakiramdam ko. Nagpatuloy kami sa paglalakbay sa Crystales. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang pag galaw ng mga nasa likurang halaman. Tumigil ako para pakiramdaman ang paligid.

Mabilis akong nagpakawala ng mga tinik mula sa kamay ko sa isang dereksyon at dumanak ang dugo roon. The spikes are poisonous. Natigil at maalarma sina Frio dahil doon.

"Be prepared. Ice demons." I said and summoned my arnis.

Bigla na lamang kaming napalibutan ng mga ito. Mayroong tumakbo papunta saakin ngunit kaagad ko itong pinatay. We decided not to use our elements against the ice demons. Kapag naglaban kami ng elements ay manghihina kami, hindi pwede. Lalo pa at nasa malamig na lugar kami.

Ngunit sa pagkikipaglaban sa ice demons ay nakarinig kami ng isang nakakatakot na tinig. Nabigla ako ng makakita ng mga Yeti. Sumali ito sa labanan ngunit hindi namin sila pwedeng patayin.

Matangkad ang mga Yeti at sobrang mabalahibo. Halos nanliliit ako kapag umaatake ang mga ito but my height is an advantage. Mabilis ko silang napapatumba dahil inaasinta ko ang paa nila. Tila nawalan ako ng balanse ng isang malaking kamay ang dumapo saaking maliit na katawan. Fuck. Halos pisilin ako ng Yeti na nakadakip saakin.

Hindi ako makagalaw sa pagkakakapit nito saakin. Nanindig ang mga balahibo ng marinig ang tawa nito. It's chilling ang creepy. Halos umikot naman ang paningin ko ng alugin ako nito na tila isa lamang akong laruan sa kaniya. Nanghina ako dahil sa pagkahilo. Inaalog pa rin niya ako.

Narinig ko ang pag-ungol nito at ang pagbagsak ko sa nyebe. Umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi muna ako tumayo. Nang maka-bawi ay muli akong sumugod sa ice demons. Nagawan na ng paraan ni Frio ang nga Yeti at umalis na ang mga ito. Ang mga demons na lang talaga ang hindi maubos ubos.

Inscribed FateWhere stories live. Discover now