Chapter 31 : Palace Fair

165 9 0
                                    

Chapter 31 : Palace Fair

SEREL

Umagang umaga pa lamang ay sira na ang araw ko. Ayoko talagang ginigising ng sobrang aga. Lalo pa at weekend ngayon. Ginising ako ng flaries dahil mayroon daw ngayong announcement ang headmaster and we are obliged to come on the hall to hear his announcement.

Hindi maipinta ang mukha ko sa pagkakasimangot dahil badtrip ako. Ewan ko ba basta hindi ko feel mamansin ng tao, o di kaya ngumiti. Ang nasa isip ko lang ay tulog. Pero dahil sa pesteng announcement na 'yan, naudlot.

"Good morning Serel," Bati ni Levi saakin. Inirapan ko ito at padabog na naupo sa lamesa. They eyed me curiously because of my movements.

"Walang good sa morning."

"O-Okay, let's eat." Naiilang na putol ni Aquacia sa awkward na atmosphere saamin.

Tahimik lang akong kumakain, walang nagsasalita saamin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa inasta ko or wala naman talagang pag-uusapan.

"Para saan kaya ang announcement ni Vaboo?" Nadia asked while we're eating.

"Baka importante dahil ginising niya pa tayo ng pag-ka-aga-aga." Impit na sagot ko. Halatang halata sa boses ko ang inis at iritasyon.

"Oh, so that explains the aura. Kulang ka sa tulog?" Tanong ni Levi saakin.

"Malamang," Pabalang na sagot ko dito.

"Wag ka mag-alala Serel. Hindi ako nahurt. Sanay nako sa rejection."

"Walang nagtatanong," Pambabara ko dito. Nilingon ko ito at umakto siyang nasaktan sa sinabi ko. Umirap ako.

"Can you please stop that attitude of yours? cant you see you're affecting everyone." Mariing utos ni Frio at tiningnan ko.

MEISSA

Nanindig ang balahibo ko ng makaramdam ng init na pinagsamang lamig sa hangin. Tiningnn ko si Flare para tanungin siya kung nag-re-release siya ng heat pero umiling ito. The coldness is from Frio but the heat, saan iyon galing?

"Can you please shut up like you always do?" Nagulat kami ng biglang tumayo si Serel at sinagot si Frio.

Naramdaman ko ang unti-unting pag freeze ng buong lugar. Frio is getting angry. Napansin iyon ni Serel kaya nagtaka kami ng tumawa ito.

"Sige, cover the whole dormitory with that damn ice of yours. Just make sure you'll be able to melt it down. I'm done eating." Matalim itong tiningnan ni Serel bago lumabas.

Doon lamang ako nakahinga ng ayos. The oxygen earlier is suffocating. The air contains icy winds and a heat energy. Mahirap huminga dahil doon.

"What the hell, is the heat energy came from Serel?" I cursed. Nilingon nila ako.

"We better get going." Tumayo si Dawn kaya nagsitayuan na rin kami.

"Note, dont mess with Serel if she's angry." Nilingon lamang namin si Levi na parang natakot sa nangyari kanina. Napailing ako.

Dumeretsyo kami sa hall ngunit wala si Serel doon. Maybe she needs time to calm herself down. The announcement was about the Palace Fair. Dahil kahit na pagbali-baliktarin ang buong domain ay school pa rin ang palace kaya't may mga activity pa rin kahit papaano.

Inscribed FateМесто, где живут истории. Откройте их для себя