Chapter 49

59 1 0
                                    

FELIX's POV

 

Nandito kami sa pinakalikod ng simbahan. Tinignan ko ang kinakabahang si Kezia. She's wearing all white. Hinawakan ko yung kamay niya kaya naman napatingin siya sa akin. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sobrang lamig nito.

"Don't worry. You'll do fine.", unti-unti na din siyang ngumiti.

"We are very proud of you Kezia, always remember that.", emosyonal na sinabi ng asawa ko. 

"Tama na nga ang drama. Pinagtitinginan tayo ng tao."

 

"I am very happy for you anak.", yun nalang ang sinabi niya at niyakap niya si Kezia. Eto na. Pinaggitnaan namin si Kezia. Lahat ng mata ay nakatingin sakanya. I know that my daughter is beautiful, at hindi ako nahihiyang ipagmalaki yun.

"Ready?", tanong ko sakanya.

 

 

"Yes dad. Salamat."

 

 

 

 

 

 

 

"And our TOP 1 on Nursing Licensure Exam this May 2014, DANIELLE KEZIA DELA VEGA!"

 

 

Napuno ng palakpakan ang buong simabahan. Tumayo din ang mga magulang at batchmates niya lalo na nung dumaan kami sa red carpet paputang harap. May mga sumisigaw pa ng "Idol!", "Galing mo!" at "I love you Elle!" sa mga batchamtes niya. Tinignan ko siya at kumakaway siya at natatawa nalang. 

Oath taking nila ngayon sa school and this is my first time to go here. Sising-sisi ako na ni minsan ay hindi  ko man lang nasamahan si Kezia sa isang event sa school nila. Pero ngayon, ganito pala ang feeling. Halos gusto kong ipagsigawan sa mundo na siya ay anak ko at ako naman ang ama niya. Nakarating na kami sa harap at umupo sa aming mga upuan. Kakatapos lang ng Thanksgiving mass nila para sa mga nakapasa ng board exam. Ngayon naman, sisimulan ang programa ng Oath Taking nila. Pumunta na siya sa gitna dahil magsasalita siya sa harapan.

1 month ago noong nasa Baguio pa siya. Ibinalita sa amin ni Mama na nakapasa daw si Kezia sa board exam. Lahat kami ay natuwa sa balitang iyon. Alam kong sobra sobra ang pag-aaral niya noon. Tinext namin siya at nagreply naman siya ng 'Thank you'. Sinubukan naming siyang tawagan noon pero hindi niya sinagot ang tawag namin. Marahil sa mga panahon na iyon ay hindi pa siya buo. Kinabukasan, katatapos lang ng meeting namin sa opisina nung dinagsa kami ng reporters ang building namin. Akala ko ay dahil sa nalaman nila na unti-unting nawawala yung mga investors namin. Sinamahan ko sila Mama at si Troy na harapin sila at laking gulat ko sa mga tanong nila.

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon