Chapter 3: Danielle Kezia

86 3 0
                                    

"Oh come on, Kezia. Don't be sarcastic. Matagal niyo nang napagkasunduan 'to ni Lola.", tamad na sabi ni Kuya Troy.  

Oo nga pala. Matagal na namin itong napagkasunduan ni Lola. Like 13 years ago?  

FLASHBACK:  

Nakaupo kami ni Sophia habang hinihintay namin ang driver na susundo sa amin.  

"Sophiaaaaaaa!", napatingin kami parehas sa tumawag sa aming batang babae.

"Do you wanna play with us?", sabi nito. Pero alangan siya kung sino ba sa amin si Sophia.   "Sure!", ngiti ni Sophia. "Can Kezia, come with us?", tanong niya.  

"Uh- okay.", nag-aalangang sagot nung babae.   

"I don't want to play.", malamig kong sabi.  

"Please? Will you join us?", pa-cute na naman ni Sophia.  

"No.", tumingin ako ng diretso doon sa nagyayang babae.  

"Uhmm, come on Sophia, Nikki's waiting for us.", sabay hila ng kamay ni Sophia.  

Araw-araw naghihintay kami ni Sophia sa driver namin na hindi ko alam kung bakit laging ang tagal sumundo. Halos araw-araw din na may nagyayaya sakanyang makipaglaro. Sa akin? Walang pumapansin. Hindi ko alam pero matagal ako bago nakapag-adjust sa environment sa school. Si Sophia? Ayun, Ms. Congeniality. Lahat sila friends. Hindi ako mahiyain pero mas gusto ko lang tumahimik kapag hindi ako comfortable sa paligid ko. Kahit na identical twins kami ni Sophia, may pagkakaiba parin kami. Kilala siya bilang friendly, masayahin, mabait at sweet na bata. At ako? Batang palaaway at may sariling mundo. I remember punching my classmate when he teased me that I'm an introvert. Nagalit sila mommy noon. Kay Sophia lang ko lang napapakita ang makulit na side ko, kasi komportable ako sakanya. Kaya ang resulta? Siya ang mas gusto nila dad, mom and lola.   Speaking of dad and mom, I love them both.     

Pero masyado silang busy sa work nila. Kahit sabihin nating magkakasama kami tuwing kumakain sa lamesa? Feeling ko, ang layo-layo ko sakanila.    We are a perfect family. But I feel something is missing.   

I feel emptiness.   I feel sadness.     Buti nalang nandyan si Sophia at Kuya Troy na kahit papano ay nakakapagpasaya sa akin, I feel belongingness. Pero kulang parin.  

"Mama!", napalingon ako habang tumatakbo ang isang batang babae at yumakap sa 'mama' niya.  

"Naku, anak, kamusta ang school?", nakangiting tanong ng mama niya.  

"Eto po oh, nakakuha ako ng three stars!", sabay pakita niya sa kamay niya na may tatak ng three stars.  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon