Chapter 12: Satur-date Part 2

98 5 1
                                    

Sobrang EPIC! Grabe.

Tawa ako nang tawa. Siyempre joke ko lang yun. Alangan naman? Sabi ko, bibili ako ng iluluto ko at sa condo nalang niya kami kakain. O diba? At least busog kami at hindi pa siksikan. Tanong siya nang tanong kung anong iluluto ko. Sabi ko lang, secret. Pagkatapos namin mag- grocery ay pumunta na kami sa condo niya. Ininvade ko na ang kusina niya at nagsimula na akong maghiwa. Nakaupo siya sa may counter at kinukwento niya yung mga girlfriends ng kuya niya lalo na kung paano sila nanligaw. Sobrang nakakatawa kasi hindi ko lubusang akalain na yung kinukwento niyang mga kuya na 'serious type' eh may romantic side pala. Tinanong ko pa kung paano manliligaw ang isang Ryder Cervantes. Natawa lang siya at sinabihan akong manhid. Tinanong niya naman ako tungkol kay Sophia. Sabi ko lang eh may boyfriend siya at 3 years na sila. Yun lang naman talaga ang alam ko eh.  

Tinanong ako ni Ryder kung paano ba malalaman ang pagkakaiba namin ni Sophia. Natawa ako sa tanong niya. Eh buong buhay ko simula pagkabata eh yan din ang madalas itanong sa amin. Marami talaga ang nahihirapan na malaman kung sino ako at sino si Sophia. Sabi ko sa ugali siguro. Sabi niya, siguro nga. Sabi ko ipapakilala ko nalang siya next time. Natuwa naman siya sa sinabi ko. Sakto na tapos na ko sa pagluluto.  

Tada! Sinigang na baboy and Sweet ang sour na tilapia. Umupo na kami at nagsimula na siyang kumain. Syempre, nagdasal muna ako. Pagkadilat ko nakita ko siyang nakatingin sa akin.  

"Bakit?"  

"Close talaga kayo ni Lord?", sabi niya.  

"Ha? Siguro.", natawang sabi ko. Sumubo na siya. Nakatingin lang ako sakanya.  

"Bakit?", siya naman ang nagtanong.  

"Ano?"  

"Ha? Anong 'ano'?", sumubo ulit siya.  

"Anong masasabi mo?", kinakabahan ko pang sabi.  

"Ahhh! Tignan nga natin.", sumubo pa siya at humigop pa ng sabaw.  

"Ummm, dito sa sinigang, okay na. Sa sweet and sour... pasado na din.", seryoso niyang sabi.  

Okay na?

Pasado na din?

Psh. So ibig bang sabihin, kalasa naman? Huhuh, wala namang comment na, 'ang sarap!'?

Kainis.   

Kumain nalang ako. Sarap kaya! Di man lang na-appreciate.     

Siya palang kaya ang nilutuhan ko sa buong talambuhay ko!   

Syempre, except sa pamilya ko. Nu ba yan. Nakakdepress. ("_ _")  

(A/N: Ang pamilyang tinutukoy ni Kezia eh yung family ni Tito Calix and her cousins)  

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon