Chapter 47

65 1 0
                                    

At dumating na ang araw na ito. Kinakahaban na ako para sa mangyayari mamaya. Tama na ang lahat ng kalokohan mo. Last week sobrang naging busy kami nila kuya para maagapan ang 4 million na nawala sa kumpanya. Mabuti naman at may mga naniniwala padin sa pamilya namin at willing na mag-invest dahil sa naiwan na legacy ni lolo noong nabubuhay pa siya.

Papunta na ako ngayon kung saan gaganapin ang meeting para pag-usapan ang issues sa kumpanya namin. Nagsimula na ang meeting at pasulyap sulyap ako sa taong may kagagawan ng lahat nang ito. Minsan ay ngumingiti pa siya sa akin. Asshole.

Natapos ang meeting at sinadya kong magpahuli. 

"Tito Bryle, can we talk?"habol ko sakanya. Nagpaiwan naman siya.

 

 

"What is it Kezia?", nakangiti niyang sabi. Tama, si Tito Bryle nga ang may kagagawan ng lahat. Ang bestfriend ni daddy.

 

 

 

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to resign from our company, sell your shares to me and leave quietly.", nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya pero agad din itong nawala.

"What are you talking about iha?"

 

 

 

"Alam ko na ang lahat tito Bryle. Alam ko na ikaw ang may kagagawan ng lahat.", nagkatitigan kami. Natawa lang siya. 

 

 

"Paano mo mapapatunayan na ako ang may kagagawan ng lahat? Baka nagkakamali ka nang pinagbibintangan. Baka naman si Mr. Liu ang dapat mong puntahan.", naka-smirk niyang sabi.

 

"You used the 'Kevin' in all of your transactions regarding sa company dahil alam mong yun din ang first name ni Mr. Liu. Hindi ba Kevin ka din naman? Ang pinagkaiba lang, it's your second name. Nung una, si Mr. Liu talaga ang pinaghihinalaan ko. Lalo na nung lumabas yung video. But thinking about it all over again, hindi ba't ikaw ang nagsabi sa akin na pumunta sa conference room that time? You set me up.", cold kong sabi. Humalakhak siya.

 

 

Do You Know ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon