058.

101 9 5
                                    


WOOJIN.

"gusto kita, woojin." damn. "i don't care what you feel about me but please...just this time..."

napatitig siya sa mga mata ko. "let me be selfish this time. let's fight together, please..."

kahit gustuhin ko man, pero hindi pwede.

inalis ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin. kahit labag sa loob ko ay naglakad na ako palayo sa kanya. napayukom ang kamao ko.

hindi mo alam kung gaano ko kagustong lumaban ng kasama mo, chaewon.

nang marinig ko ang mga salitang gusto niya ako, mas lalong ginusto ko siyang ipaglaban.

but chaewon is too good for me.

madudumihan lang siya sa akin. lalo na noong nalaman ko ang mga pangyayari sa dati niyang school. mas lalo akong nakonsensya. i don't deserve chaewon. she's too good for her own.

siya 'yung tipo ng tao na hinding-hindi ka susukuan. if may nakita siyang pagkakamali sa paligid niya, pupunaun at pipilitin niya itong baguhin. she's willing to fix you even though it means breaking herself. minsan naiisip ko, ano ba ang nagawa kong mabuti noon at biglang dumating at pumasok sa buhay ko ang katulad ni chaewon?

sinalubong na ako ng tatay ko na may hawak na mga papeles. gusto siyang murahin. gusto ko siyang sapakin. pero hindi ko magawa dahil kahit papaano ay tatay ko pa rin siya. kahit na ang alam niya lang gawin ay diktahan ang mga bagay na dapat kong gawin sa buhay ko. tangina, sakal na sakal na ako.

"wala ka talagang kwenta." madiin na sabi niya. "ako na lang lagi ang naglilinis ng mga kalat mo."

nag-igting ang bagang ko dahil sa sinabi niya. inihagis niya sa akin ang hawak niyang folder na buti na lamang ay nasalo ko. sumakay na siya sa kotse.

i looked at the folder at mas humigpit ang hawak ko roon nang makita ko ang nakasulat dito.

form 137.

inalis ko ang tingin sa folder at saka tumingin sa kawalan.

paano ako lalaban kung sa una pa lang, alam kong talo na ako?

——————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora