044.

133 14 15
                                    


CHAEWON.

"hi, chaewon! congratulations!"

"congratulations, girl!"

"you really deserve it!"

hindi ko sila binigyan ng pansin at nagpatuloy sa pagtakbo. bakit ba punong-puno ang mundo ng mga pekeng tao? damn.

wala na akong ideya kung saan na ba ako dinadala ng mga paa ko. basta ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo para hanapin si woojin. hindi ko alam kung bakit ba ako sobrang nag-aalala sa kanya.

napadpad ako sa garden. inilibot ko ang tingin ko sa paligid at lumaglag ang balikat ko nang makitang walang katao-tao rito. paalis na sana ako ngunit may napansin akong lalaki na nakaupo sa pinakadulong bench. hindi ko siguro ito napansin kanina dahil sa malaking punong nakaharang.

agad akong nagtatakbo papalapit doon and silently hoping na it's woojin. at hindi nga ako nagkakamali.

"woojin!" i called him. napalingon siya sa akin. nakasuot siya ng mask pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat nang makita ako. he's taken aback siguro dahil hindi niya aakalain na hahanapin at pupuntahan ko siya.

"c-chaewon?"

ngumiti ako. "obviously." umupo ako sa tabi niya at nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

"magsisimula na ang klase? bakit nakatambay ka pa rin diyan?" hinawakan ko ang braso niya. "naku, baka hinahanap ka na ni yuri. naku, sige ka! baka iwanan ka niyang girlfriend mo!"

napawi ang ngiti sa aking labi nang alisin ni woojin ang pagkakahawak ko sa braso niya. he heaved a deep sigh.

"chaewon, sa sitwasyon ko ngayon, wala na ang makakaalala sa akin." his voice screams pain, loneliness. it's my first time to see woojin like this. everytime na makikita ko siya ay punong-puno siya ng charisma at confidence. pero ngayong araw...wala ang mga bagay na 'yon sa aura niya.

"but you're here."

napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"of all people, why me?" he asked. "i'm nothing now. why do you still care?"

hindi agad ako nakasagot. bakit nga ba, woojin?

"because—"

napatigil ako sa pagsasalita ko nang ilapit niya na lamang bigla ang mukha niya sa mukha ko. napaatras ako dahil doon.

"damn, i'm so thankful to met an angel like you, chaewon."

and my heart starts to beat faster. damn, this feeling.

———————

RULE BREAKER┃CHAEJIN.Where stories live. Discover now