Chapter 20

186 65 3
                                    

Attention: Same as before. Yung italized ay korean words.
----

Chapter 20

"Tiana, nasa baba yung sundo mo." Nanlaki ang mata ko sa narinig dahil sa sinabi ni Tita. Napalingon ako at nakita kong nakangisi ito. Hindi ito normal na ngisi niya. Isang ngiti na nang aasar.

"Whaat?" Gulat kong sambit at natatawa lang itong umalis. Napaharap ako sa salamin at nagmamadaling nag apply sa aking mascara at lip gloss. Tumayo ako at inaayos ang aking uniform.

Pagbaba ko ay kausap nito si Ate Bianca wearing her own products. Still gorgeous as ever. Nalaman ko na din bakit sila magkasama. They already knew nung nakapunta si Ate sa Korea, nagbabakasyon with Tita and Tito. I don't know the history basta ay magkakilala sila. At kaya pala sila magkasama sa mall dahil kay Jeydon. Bumili sila ng necklace at singsing sana. Kaso nakita ko sila at di nabili yung singsing. Napatampal nga ako sa aking noo. Buti at hindi nabili yung singsing. Ano siya? Mag popropose? 

"Jeydon." I called him dahil busy ito kausap si ate. They are already close huh. Well hindi na ako magtataka, ang friendly niya masyado sa lahat.

Lumingon ito sakin at ngumiti ng napakalaki. Pati rin ang mata nito ay nawawala dahil sa laki ng ngiti na ito. My heart melts everytime he smiles. Bakit ba siya pomopogi lalo? Ang clear skin niya talaga nakakainggit.

"Tianaaa." Akmang yayakapin niya sana ako kaso parang nahiya at tinapik niya lang ang aking balikat.

Napangiti ako dun at tumikhim. Ngayon pa ba siya nahihiya? Pero ang cute niya talaga. Lahat ng gestures niya na unpredictable ay napapangiti ako.

Lumingon ako kay Ate. "Ate aalis na po kami." Pagpaalam ko sakaniya. Nakangiti parin ito saamin at feeling ko mapupunit na ang pinsgi nito.

Yinakap niya ako at beneso. "Take care. I'm so proud of you, first time mo 'to diba?" Tanong nito bigla.

Namula ako sa hiya. "Ate naman."

Bigla niya akong sinapak at tumawa. "Hindi yun ang ibig kong sabihin--" pinutol niya muna ang sasabihin niya at inilapit saakin si Jeydon. "First time na may ibang maghahatid sayo kaya alis na kayo. Shoo." Pagtataboy nito saakin.

Napanguso ako at nagpaalam kay Ate. Tito is not here, nasa work ito. Buti okay lang sakanila o baka sanay na sila. Ako kasi kay Dad magagalit pa ako kapag nasa business trip siya dahil wala na itong time saamin.

Habang naglalakad kami ni Jeydon palabas bg bahay. Napaangat ang kilay ko. "Himala, walang sasakyan?" Parati ko nang siyang nakikitang nagdadrive ng sasakyan at nasanay na yata ako.

Kinamot nito ang kaniyang buhok at ngumiti na parang nahihiya. "Hehe, gusto ko kasing  madaming time."

I blushed. Aaminin ko kinilig ako doon sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at unang naglakad, naramdaman ko naman na sumunod ito sa likod ko.

Timing naman na pagkarating namin sa bus station ay may naparada. Hahawakan ko na sana kamay niya para takbuhin iyon pero una siyang nakahawak at hinila ako.

My knees weakened. Damn. Napatingin ako sa kamay namin. Lagi na kaming magkahawak ng kamay pero everytime na ganito ang eksena, mapapangiti ako 

"Grabe ka makatakbo ah." Asar ko sakaniya at sinapak sa balikat pagkaupo namin.

Tumawa lang ito. "Pandak ka kasi, ang liit ng legs mo." Asar din nito.

Kumunot ang noo ko. What? Nakita niya yatang naasar ako kaya inulit niya uli. "Pandak."

Sinasagad niya ako ah? Piningot ko ang pinsgi nito at agad naman itong namula nung binitawan ko. "Hoy!" Angil nito at hinihimas ang kaniyang pinsgi at nagsimula na naman ang asaran namin.

Hello, Seatmate 😸Where stories live. Discover now