Chapter 4

518 168 154
                                    

Chapter 4

"Ronaldo." Tawag ko sa isang kaklase ko. Nakatalikod ito saakin dahil kausap niya ang isa sa kaklase 'kong nag-lilipstick.

Humarap siya sakin at umirap. "Tiana, huwag mo kong tawagin nang ganyan. Just call me Rolly." Bumusangot ang mukha niya. "Okay?" Segunda niya tinapik tapik ang aking balikat.

Humahalakhak ako at iniyuko ang aking ulo. "Sorry po." Ibinagay ko sakaniya ang form ko. "Ayan na." Nanlaki ang mata niya nang makita ang ibinigay ko sakaniya at kinuha agad.

"Oh my god." Yinakap niya ako at nag beso. Beso, ito yung unang natutunan ko sa Pinas. "Hindi ako nanghinayang na isali kita." Pumalakpak siya. "May meeting mamaya girl. See you."

Napailling nalang ako, kinukulit niya ako kanina na sumali sa kanilang Club. Kahit na hindi talaga ako permanent student. And also, hindi ko binigo ang dakila kong Bestfriend to join a club and make friends. Tsaka gusto ko rin naman dahil mukhang ang babait nila

They all knew na galing ako sa Performing Art School. And some of here are crazy about Kpop. So, alam ko na agad na bakit interesado sila sakin.

Doon sa School ko sa Korea. Our days are divided. Meron pang academic days and training our talents and skills. I've already met some K-idols there. But I'm not interested to know them. I'm much more interested in K-actors than K-idols. I don't know why, but Yerin is the one who really fangirling about male K-idol. Makakakita lang siya ay nababaliw na siya. 

"Seatmate!" Tawag sakin ni Perez. Nanlaki ang mata ko kaya hindi ako nagpapatinag.

Tumalikod ako at inilagay sa aking tenga ang headset. Kahit walang music ay hindi ko siya pinansin kahit kulbit ng kulbit siya sa aking tabi.

"Tiana, pansinin mo ko." Pakiramdam ko ay nakanguso nanaman ito uli. Ang hilig niya kasing ngumuso, pero kahit ganun ay bagay parin sakaniya. But when he do that, matatawa talaga ako.

"Ako nga pala si Jeydon." Nakita kong inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking tabi pero lumiko ako para iwasan siya. Manigas ka 'dyan!

Nang wala na akong narinig na ingay sa likod ay napahinga ako nang maluwag. Ba't ba ang kulit nang lalaking yun? Hindi ba siya nagsasawang kausapin ako? Kahit hindi ko na siya pinapansin ay nangungulit parin.

Kinuha ko ang phone ko at pumili nang music. Dahil wala namang maingay at gusto kong makarinig ng music.

"Wala palang music ha?" May biglang nagsalita sa likod ko. It gives me shiver down to my spines.

Biglang tumayo ang buhok ko sa batok nang may maramdaman akong init ng hininga sa aking leeg. "Aish! Ano ba? Nakaka-inis kana." Tinignan ko siya nang masama.

"Hindi mo kasi ako pinapansin." Ngumuso ito. Habang tinignan ko siya ay pansin kong hindi maayos ang kaniyang buhok ngayon, kahit nga hindi pa niya na butones yung polo ng uniform niya. With all the looks, bagay parin sakaniya. Slacker plus Badboy look.

Umiwas ako ng tingin. "Ba't ka Absent kanina?" Tanong ko. Wala kasing maingay na katabi ko. But, hey I don't miss him. Concern lang ako baka may sakit siya. 

Humarap siya sakin kaya umiwas na uli ako nang tingin. "Concern ka ba sakin?" Narinig ko ang paghalakhak niya. Damn him. Kahit bait na ang turing ko sakaniya. Hindi parin mawawala ang pagkaka-isip bata niya.

Ngumuso ako at umirap. "Gago." I commented. Iniwan ko siya doon pero naramdaman ko siyang nakasunod sa likod ko.

"Tiana, hindi Gawgow. Dapat Ga Go." Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Umusok talaga ang ilong ko. I heard his laugh.

Hello, Seatmate 😸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon