Chapter 14

324 103 1
                                    

Chapter 14

Malapit naaa :D Enjoy reading everyone.

----

Ilang buwan na ang nagdaan. And it's September. Mas lalong naging busy ang mga guro at mga estudyante. Dahil ngayon na ang Foundation day dito. Pinaghandaan talaga, dahil nung nagdaang buwan ay busy rin sila sa preparasyon. At mas busy kami, lalo na sa mga kasamang lumahok sa perfromance.

Sa school namin doon, maybe February or March kami mag Foundation Day. Kaya nakakapanibago.

"Tiana, ready na ba iyong mga instrumento?" Natatarantang wika ni Rolly, hindi siya mapakali sa kaniyang upo at paulit-ulit itong binabasa ang tempo sa aming kantang napili.

Simula kasi nung natapos yung Gala naming lahat para humanap nang inspiradong kanta ay may napili na. And it's a good one.

Napailing si Hazel at hinawakan ang kamay ni Rico at nagngitian sila. "Wag ka ngang kabahan. Mamaya pa naman iyon."

It's been awhile, naging sila. They are really cute couple. Dahil sa bibong ugali ni Hazel, ay pinares sa seryosong ugali ni Rico. Nakakatuwa, dahil nagpapatulong pa saamin si Rico para ligawan si Hazel.

"Mag break rin kayo, soon." Gigil na wika ni Rolly at napairap sa kawalan. Napangiti ako, ang bitter niya talaga.

Sinapak ni Yna si Rolly at kaya nagbangayan sila. Napanguso lang ako habang nakatingin sa kanilang lahat. Hinintay namin dumating sina Jeydon at Geoffrey. Si Quinn kasi, may inasiko para mamaya. It's about our dress and make-ups.

"Tumahimik nga kayo." Sita ko sa dalawang nagbabangayan. Pati yata boobs ay pinagmamalaki na nila. Ito talagang bakla ito, hahanapin ko siya nang katapat niya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Jeydon at Geoffrey na may dalang mga plastic bags na ang laman lahat nito ay Junk foods.

Para hindi kami kabahan mamaya, ay kakain muna kami. It's our first time to perfrom with everyone. Kaya kabado kaming lahat, pero mas kabado si Rolly dahil gusto niyang perpekto ang lahat.

Nagtiningan kami ni Jeydon at nagngitian. Mas lalo kaming naging close. And we both knew na gusto namin ang isa't-isa. But we still remain friends, o ang tinatawag nila na Mutual Understanding.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong sakin ni Jeydon nang makalapit. Umiling ako at ngumiti.

"Ikaw ba?" Kumuha ako nang Boy bawang at kumain. It's been my fave junk food so far. I recommend this to my Family and Yerin. Baka magustohan nila.

"Nope, why would I?" Halakhak niya at kinuha ang kaniyang Tumbler at uminom nang tubig.

Napatingin kaming lahat sa pintuan nang dali-daling pumasok si Quinn na may kasamang apat na tao. I think ito na ang mag mamake-up saamin.

"Ohh. I'm excited." Tili ni Yna at sinapak sapak si Geoffrey na kumakain nang crackers. Muntik nang mabulunan si Geoffrey dahil sa ginawa ni Yna.

Ito talaga si Yna, yung kamay niyang nakaka-Lol hindi makapag-pahinga.

Tumayo si Rolly at linapitan sina Quinn at kinausap. Napatingin sakin si Jeydon, ngumiti ito bigla kaya nagtataka akong napatingin sakaniya. What's that look for?

Tumayo agad ako nang tinawag ako ni Quinn. Pagkalapit ko ay iniharap ako sa isang babae.

"Ito pala si Tiana. Ito yung aayusin mo. Siguraduhin mong maganda siya ha!" Ani Quinn at inakbayan ako. Kinurot ko si Quinn sa beywang dahil nakakahiya ang kaniyang pinagsasabi pero tumawa lang ito.
----

Yung ibang kasamahan naman ni Quinn ay inayusan sila. Habang ako ang pinakamatagal. Bakit? Dahil suot nang suot ako nang damit pero umaayaw siya. Hindi daw bagay.

Hello, Seatmate 😸Where stories live. Discover now