Chapter 13

321 110 0
                                    

Chapter 13

"Saan ba tayo pupunta?" Kanina pa ako hinihila ni Jeydon dito sa Mall, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pagkatapos lang nung sinabing nagseselos siya ay hindi na siya nagsalita pa at bigla lang akong hinila.

"Kakain tayo. Hindi ka ba nagugutom?" Huminto muna ito at tinignan ako. Ako naman ay naalala yung nangyari kanina kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ba hindi mawawala yung nangyari kanina?

"Hin--" Hindi ko pa natatapos ang aking sagot, pero tumunog na ang aking tiyan. Napakagat ako sa aking labi at napahimas sa aking tiyan. Why now? Hindi pala biro yung mga nababasa o nakikita ko sa nga movies at novels kapag ganito ang mangyari sayo. Pambihira.

Ngumiti siya at hinawakan na ang aking kamay, at intertwined niya ang aming mga daliri. Nanigas ako sa aking kinatayuan. I want to curse so bad right now.

"Let's go." Aniya at nagsimula kaming lumakad. Napapunta kami sa isang restaurant na mukhang Chinese food. Dahil sa ambiance nang mga painting at yung mga pagkain na rin.

Pina-upo niya ako at habang siya ay nag-order ng kung anong pagkain.

Habang naghihintay, kinuha ko yung phone ko at pinicturan siyang nakatalikod. Linagyan ko iyon na text na. 'September 20'

It's been 3 months right now, time flies so fast. Sa panahong iyon ay madaming nagbago sakin. Yung dating mahiyain, ay ngayon hindi na.

Kaya ko na ring makipagusap ng matagalan sa mga tao. And right now, kanina lang nagbreak kami ni Hyunsik Oppa dahil lang dito.

I wonder kung gusto ba talaga ako ni Oppa o ano. Pero aaminin kong nagkagusto ako sakaniya. Pero dahil yata sa nakalipas na buwan ay mukhang nawala lahat.

"Sorry, ang tagal ko." Pagpaumanhin niya at ngumiti. Itong isip bata na baliw, ito pala ang nakakapagtibok uli sa puso ko.

Ngumiti ako ng alanganin. "It's okay."

Kumain kami ng tahimik. Pero sa huli siya ang unang bumasag sa katahimikan.

"Sorry pala kanina."

Napaangat ang tingin ko sakaniya at tinignan siya na may pagtataka sa aking mata. What for?

Ngumuso it at tumingin sakin. "Sorry, dahil nanggulo ako sa date niyo."

Gusto ko siyang tanungin kong bakit, bakit niya iyon ginawa. Pero hindi ko kaya dahil baka iba ang rason niya. Ayaw kong mag-assume.

Ngumiti ako, gusto kong tumawa pero pinigilan ko. I want to see his reaction. "We already broke up." Sabi ko sakaniya na parang normal lang.

Nakita ko ang kaniyang mata ay lumaki. Umigting ang kaniyang panga at nakita kong ngumiti siya pero agad rin itong tumikhim.

"What? Why?" Gulat niyang sambit.

I smiled at hinawakan ang straw. "We fell out." That's true, maybe hindi talaga kami para sa isa't-isa. Napatingin ako roon at sumimsim.

Napakurap ako ng bigla siyang tumayo at naglahad ng kamay. Kinunotan ko siya ng noo. Ano na naman ba ang trip niya? Minsan talaga, hindi ko mababasa kung ano ang nasa isip niya.

"I know a perfect place for you to move on." Aniya at ngumiti nang malapad. He's always smiling, yan ang trademark niya. Yung madami kang problema, pero kapag makita mo siyang nakangiti. It's funny but, mawawala iyon.

Nang hindi ko inabot ang kamay niya, siya na mismo ang humawak nito at itinayo ako. Napasinghap ko nang magkalapit ang aming katawan, at naamoy ko na ang kaniyang pabango.

Hello, Seatmate 😸حيث تعيش القصص. اكتشف الآن