Chapter XXIV

241 9 0
                                    

Chapter XXIV

PAGOD at puyat ang katawan nya ng dumating sya kinagabihan sa condo niya sa Cebu. Agad nyang tinawagan ang kapatid pero hindi ito sumasagot sa tawag nya. Wala raw ito sa bahay nila at nagpunta umano sa mall kasama ang mga kaibigan kanina at hanggang ngayon ay di pa umuwi. Napabuntong hininga nalang sya dahil sa sinabi ng bunso nilang Jojo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya ng makapasok sya sa kwarto nya. Bukas nalang nya ito pupuntahan sa bahay para na rin makapunta sya sa presento.

Kinabukasan alas sieti pa lang ay nag ayos na sya dahil halos dalawang oras rin ang byahe papunta sa kanila. Para syang binuhusan ng malamig na tubig ng pagpasok nya sa presento ay nakita nya si Rix na galit na galit habang dinuduro ang ama nya. Sa sobrang taranta nya ay agad syang lumapit sa ama na komportableng nakaupo lang.

“Hayop ka! Napakawalang hiya mo! ” galit na sigaw nito sa papa nya. Hindi sya nito pinansin at masama parin ang tingin ang ibinato nito sa ama nya.

May kasama itong isang napakagandang babae na kasing edad lang yata nya. Berde ang kulay ng mata neto na nakakahipnotismong tingnan. Nakahawak ito sa braso ni Rix habang nakatayo naman sa likuran ng mga ito ang isang nasa mid-40's na magandang babae rin na siguro ay mommy ni Rix, katabi ang isang nasa 50's na si Mr. Clemente.

Sumikip ang dibdib dahil sa paraan ng pagkakahawak ng babaeng katabk nito sa kay Rix. She's getting jealous kahit wala naman syang karapatan dito.

“We will make sure that you'll root in jail!” -Rix

“Pa, ano bang nangyayari? ” dahil sa pagsasalita nya , nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. She saw how Rix's facial expressions turns from angry to confused. Bahagyang umawang ang labi netong nakatitig sa kanya.

“Your father is the one who harassed and kidnapped my mom years ago! ” dahil sa sinabi ng katabing babae ni Rix na kapatid pala neto, ay ang ama nya ang binalingan nya.

“Ano Pa? Totoo ba yun? Kailan yon nangyari? ”sunod sunod na nalilitong tanong nya.

“Why don't you answer your daughter's question Mr. Diaz? Aren't they know your bad doings? Huh”mapanuyang tanong nito sa papa nya.

This time, she faced Rix's sister because of what she said.

“Are you sure about your accusations about my father? Huh? Do you have evidence for you to say that? ”matapang na tanong nya rito.

Sinamaan sya nito ng tingin pero binaliwala nya ito. Rix on the other side remained looking at her intently. Kung hindi lang sa ganitong sitwasyon nya ulit ito makikita, siguro ay magpapasalamat sya, kaso hindi.

“We are sure. And if you're looking for evidences, well talk to our lawyer. And I will make sure, makukulong ang ama mo! ”May diing saad nito sa kanya.
“Let's go Rix, mom dad we gotta go for now”Pagpapaalam neto sa magulang tsaka naglakad palabas ng presento.

Sumunod dito si Rix at di na sya tinapunan pa ng tingin. Nanikip ang dibdib nya dahil sa inasal nito. He's acting like he doesn't know me. And it hurt me,. . . big time. Nakatingin sya rito at umaasang lilingonin sya nito. Pero tuluyan ng nawala sa paningin nya ang dalawa ay di siya ulit nito tiningnan. Umalis rin ang mga magulang nito na kausap ang abogado.

“Pa! paano nyo nagawa yon? ” galit na tanong nya sa ama na hindi man lang kumibo. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang bantay nito at pinapasok na ulit sa selda.

🐝🐝🐝🐝🐝🐝

The Hidden Tears -COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now