Chapter IV ✈

388 14 0
                                    

Chapter IV

"MAY balak ka bang magtayo ng flower shop sa bahay insan?" kunot nuong tanong ni Ellen sa kanya peri nagkibit balikat lang sya dito.

"Ang dami nyan! Aanhin mo naman yan?" pangungulit nito sa kanya.

Kasalukuyan nyang inayos ng mga bulaklak at gunawa narin sya ng bouquet.

"I'll go to cemetery later. Dadalawin ko lang si Lola't Lolo." sagot nya sa pinsan.

Ngayon lang sya nito sinita kasi nauna na syang umuwi dito kahapon. Tinawagan nalang nya ito at nagpaalam na. Kaya di nito nakita ang mga bulaklak na dala nya.

She loves flower. Specially, roses.

Sinadya nya talagang damihan ang binili dahil dadalaw sya sa puntod ng Lola at Lolo nya na nagsilbing pangalawang magulang na rin nya.

Naglalagay rin sya ng bulaklak sa kwarto nya. At sa sala ng bahay.

"Oh! Akala ko may balak ka nang magtayo ng flower shop. Tsaka bat don kapa bumili ng bulaklak? E pwedi naman don sa farm mismo ng mga Clemente" parang baliwalang tugon ng pinsan nya.

"You knew Clemente's?" tanong nya sa pinsan. Bumaling naman ito sa kanya na kunot ang nuo.

"Yeah. Sila lang naman ang may pinakamalaking flower farm dito sa Claveria and other places dito sa Bukidnon, bakit?" she just shrugged and continue making the bouquet.

"Rinig ko nga ba nandito pala ang anak ni Sir Evans dito sa Claveria. And guess what? He's damn handsome!!" kinikilig na wika ng pinsan nya kaya inikotan nya ito ng mata.

If she's not mistaken, si Rix ang tinutukoy nito.

"Nong isang linggo pa raw yon dumating eh. Ito daw muna ang mamamahala sa pag haharvest ng mga bulaklak dito. Sayang, diko nakita yon! ..haaay" nanghihinayang na sambi nito kaya binato nya ito.

"Tss! Nakita ko na yon kahapon, don sa binilhan ko ng mga bulaklak tsak -----"

"Gwapo ba? Masarap? Ano? Sabihin mo!Yaaahh!" Kinikilig na saad nito.

"Tumigil ka nga dyan. Para kang sira!" Sita nya kay Ellen ng yugyugin sya nito. Tinawanan naman sya nito kaya inirapan nya nalang.

"Sana pala sumama muna ako sayong bumili ng bulaklak kahapon! Nakakainis!" natawa nalang sya sa pinsan na parang luging lugi dahil sa hitsura.

Tumulong narin ito sa pag aayos ng bulaklak.

"Punta nalang kaya tayo ron sa flower farm nila! Siguradong andon yon ngayon!!" napapailing nalang sya dahil sa sinabi nito.

Ellen and her habit of handsome boys didn't change.

Really? Ako magpapakita don? Bahala sya sa buhay nya, kakahiya kaya.

Tsaka, di naman yun gwapo. Hmmp!

"Pero maiba tayo insan, bakit nga ba kayo naghiwalay ni Bradley? Akala ko ba nag proposed na yon sayo?"  sinamaan nya ito ng tingin dahil sa huling tanong pero nagkibit balikat lang ito.

Napapaisip rin sya minsan. Bakit nga ba?

"Maybe he's really not meant for me." Maikling sagot nya sa pinsan. "And maybe one day, I'll find someone who feels lucky to have me"

Maybe. And I hope. Because I'm tired of being left alone. Again and again.

Well, kung sinaktan man ako sa nakaraan ko, syempre diko idadamay ang future ko. Malay ko diba, sa susunod na magmahal ako, don na sa taong inilaan para sa akin.

Sa taong di ako sasaktan at iiwan. Sa taong di ako ipagpapalit dahil sa bagay na hindi ko pa kayang ibigay.

What if I have give my all to Bradley? Iiwan nya parin kaya ako?

Sometimes, the wrong choices bring us to the right places.

✈✈✈✈

The Hidden Tears -COMPLETED (UNEDITED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu