Chapter XVII

239 7 0
                                    

Chapter XVII

ISANG linggo na ang nakalipas nong tumawag si Rix sa kanya. Nakabalik na rin si Ellen nuong isang araw galing sa bakasyon nya kasama si William.

Sa mga nagdaang araw ay di nagpaparamdam si Rix sa kanya. Di rin ito nag abalang etxt man lang sya. At mas lalong di ito bumisita sa kanya. Di jya tuloy alam ang gagawin nya.

I miss him. There's something in me that made me missed him every days passed.

“What if, we're going to Rix today insan, what do you think?” tanong sa kanya ni Ellen habang umiinum sila ng kape isang umaga. Tinitigan nya lang ito at umiling nalang.

Pero dahil sa kakulitan ni Ellen ay napapayag rin sya nitong samahan ito. Pero syempre, kahit di nya aminin sa sarili ay namimis nya ito. Isang linggo nya rin itong di nakita. Nasanay kasi syang bigla nalang itong sumusulpot sa kung saan sya.

“Hoy! You're spacing out insan. May problema ba?” tawag pansin sa kanya ni Ellen habang nagmamaneho ito papunta sa mga Clemente.

“Huh? May sinasabi ka?” Wala sa sariling tanong nya.

“Sabi ko, bat ang tahimik mo? May problema ka ba?” nagtatakang tanong ulit nito sa kanya, sinulyapan pa sya nito bago bumaling ulit sa kalsada.

“Hmm. Wala. May iniisip lang ako” pagsisinungaling nya sa pinsan.

“Is it about Tito again? Or your witch sister?” -Ellen

Tumango nalang sya rito para di na sya nito kulitin, total alam naman nito ang tungkol sa pamilya nya eh.

“Don't think too much. Pabayaan mo muna sila kahit ngayon lang. Tsaka, we are her to unwind, not to think about problems, so cheer up” pagpapalubag neto ng loob nya kaya tipid syang ngumiti rito.

Pagdating nila sa gate ng Clemente's Flower Farm ay agad silang pinagbuksan ng gwardya.

“Magandang umaga ma'am ” bati neto sa kanila kaya binati rin nila ito bago dumiritso sa pagpasok.

May katulong na nagwawalis sa labas ng rest house nina Rix pagka rating nila. Agad na tinanong naman ito ni Ellen tungkol sa amo neto.

“Ay ma'am Ellen, andon po si sir Rix sa farm, kasama si ma'am Mia” agad na sagot nito. Kumunot naman ang nuo nya dahil sa tinawag nitong Mia.

“Ah. Okay, pupuntahan nalang namin Manang, salamat po” si Ellen, tsaka sila bumaba ng sasakyan.

Habang naglalakad sila patungo sa barn ay di nya alam kung bakit sya kinakabahan. Siguro ay dahil alam nyang galit ito. O dahil sa hindi nito pagpapakita ng isang linggo, naninibago na sya.

Nang makalapit na sila ay nakita nya itong nakatayo habang nakatalikod sa kanila. May katabi itong matangkad rin na babae at sobrang puti nito sa suot na pulang dress.

Nag uusap ang dalawa pero di nila naririnig dahil distansya pa sila rito. Tumigil sya saglit at pinagmasdan ng mabuti ang dalawa. They looked so happy while they are talking. Hinawakan pa ng babae ang braso nito at tumawa.

Di nya pinansin ang pinsan na dumiritso sa paglalakad. Nakita rin nya ang paghawak ni Rix sa beywang ng babaeng kausap na nagpapitik ng puso nya ng mabilis. She couldn't take her eyes from Rix and the girl he's with. Maybe his girlfriend?

Napatigil sa pag uusap ang dalawa ng makalapit ang pinsan nya rito. Lumingon si Rix sa banda nya ng tinuro sya ni Ellen. Kitang kita nya kung pano nawala ang ngiti ni Rix ng makita sya.

Her heart hammered because of the pain she suddenly felt. Nanginig ang labi nya dahil sa luhang gustong kumawala sa mga mata nya. But she manage to smile to Ellen and waved.

Tumalikod sya at naglakad pabalik sa sasakyan nila ni Ellen. Tinawag sya ni Ellen pero kinawayan lang nya ito at pinagpatuloy ang paglalakad.

✈✈✈✈

The Hidden Tears -COMPLETED (UNEDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant