Tears started to flow in my eyes. Ang saya ko lang dahil may mga lalaki pa palang ganito. Yung mahal ka ng buong-buo, yung ginagawa ang lahat mapasaya at mapatawa ka lang, yung napapangitan ka sa sarili mo pero hindi mo alam, may nagagandahan pala sayo. Sana makahanap rin kayo ng ganitong lalaki. I hugged him tightly. Nagulat nga siya eh. 

" Zion, thankyou so much for your efforts. Sa dekorasyon na ginawa mo para sa date nato. Hindi ko aakalaing natupad mo ang isa sa mga pinangarap kong date. Thankyou talaga. " masayang-masaya kong sambit. I'm a bit emotional right now. He kissed my head and I think first time niyang ginawa yon. 

" Your always welcome, my love. Para sayo lahat to. Lahat gagawin ko para sayo, asahan mo yan. Ganon ka kahalaga sakin, at ganon kita kamahal. Stop crying, sshhh. " hanggang ngayon ay nakayakap pa rin kami sa isa't-isa habang hinihimas niya ang buhok ko. 

" Tears of joy to. Masaya lang ako dahil naging kaibigan kita at nakilala kita. I pray for our happiness. " sabi ko pa habang nakangiti.

" May ipapakita nga pala ako sayo. "  hinawakan niya ang aking kamay at pumunta kami doon sa mga balloons na naka paste sa ding-ding. 

" Turn the lights on. " paki-usap na sabi niya. Bigla namang umilaw ang balloons na hindi pa kanina umilaw. Napanga-nga ako sa nakita ko. Am I dreaming? Am I? Totoo ba ang lahat ng ito? 

Nakangiti siyang napatingin sa akin. I know that smile. Inside the balloons, there says ' Can I court you, my love? ' Kaya ganun na lamang ang pagkabigla ko sa nakita.

" I pray not just for our friendship, but for our relationship. Andrea, gusto kong mangako sayo ngayon na iingatan, aalagaan, mamahalin ng mamahalin hanggang sa huling hininga ko, ipaparamdam sayong ikaw ang pinakamamahal ko, hindi ako magsasawang mahalin ka araw-araw. Ngayon, ayoko nang maging kaibigan mo lang. I want to label our relationship. I need you in my life. I don't need anything, as long as I have you, my love. " sa tono pa lang ng boses niya, alam kong desidido na siya. 

" Kahit sabihin pa ng mundo na hindi tayo pwede, wala akong paki-alam. Mundo lang yan. May Panginoon ako na susuporta sa desisyon na gagawin ko sa paraang tama. Kahit ilang beses pang tumutol ang tadhana, basta mahal kita, andrea sapat na sakin yon. Kahit i-reject mo pa ako ngayon, wala akong paki-alam. " ang dami pang satsat, go straight to the point. Natatawa lang ako ngayon sa mga pinagsasasabi niya. 

" Andrea De Los Reyes, I don't want to be your boybestfriend anymore, if you want, I will prove to you that I am worth to be yours, I want to be your life, your love, your boyfriend. Can I court you, my love? " hearing those words coming from him, IMMMMM! 

" Ang dami mo nang pinangako, dinagdagan mo pa. Aasahan ko ang lahat ng sinabi mo sa akin, ang mga pangako mo. You need me? Mas kailangan kita. Paano mo naman masasabing tutol ang mundo sa pagmamahalan natin? Hindi pa nga tayo nagsisimula bilang magkasintahan. Ang dami mong sinasabi, mahal. " panimula ko. Nanlaki naman ang kanyang mga mata. 

" Did you just call me, ' mahal ' ? " nabibiglang tanong niya. I just laugh at him. 

" Maaaring nagkakilala tayo sa maraming rason. Nagsimula tayo bilang magkaibigan. Ang dami mong ginawa, katulad ng pagpapasaya sa akin, alam na alam mo kung paano ako mahulog by just simply doing your thing! Ano ba ang pinakain mo sa akin? *laughs* Ikaw yung lalaking biglang dumating na hindi ko na gustong mawala pa. Sa totoo lang, hulog na hulog na ako sayo, at hindi ko na mapipigilan pa. Oo, you heard it right. Hulog na hulog na ako. Siguro naman, nasalo mo ako diba? *smiles* " sambit ko looking straight on his eyes.

" Yes, nasalo kita. Ako pa ba. " mayabang niyang sambit. Halatang kinikilig ang mokong. 

" Kanina tinanong mo ako kung gusto mong manligaw, I don't think I will say 'no' to your question. " pambibitin ko. Yung mukha niya ngayon sabik na sabik eh. 

" So I guess you'll answer 'yes'? " na-eexcite niyang sabi. 

" Uhm.. pinag-iisipan ko pa, pero dahil mabilis akong mag-isip, oo na. Pumapayag na akong manligaw ka. " sagot ko. Nanlaki ang kanyang mga mata.

" Ano yon? Hindi ko narinig. Paki-ulit nga. Isa pa nga. " napailing ako.

" Oo. Pumapayag na ako! Manliligaw na kita simula ngayon! " halos pasigaw kong sambit. 

Nagulat ako kasi bigla niya akong hinalikan sa pisngi, ilong, at noo! Pagkatapos ay niyakap niya ako. Tawang-tawa ako sa mga ginagawa niya. 

" Wooooohoooooo! Nililigawan ko na si Andrea! Woooooooooooooo! " ang lakas ng pagkakasigaw niya. 

" Hoy! Stop it, zion! Baka mapagalitan tayo. HAHAHAA! Para kang bakla! " pinipigilan ko siya ngayon dahil tumatalon-talon siya at masayang-masaya. 

" HAAHAHAHAHAHA. You're so cute, love! " natatawa kong sabi. Napangiti siya habang nakatingin sa akin.

" I love the way you call me 'love'. Isa pa nga. " paki-usap niya.

" Ang corny mo talaga, loovveee. " insert my sweet and pabebe voice. Ngiting-ngiti naman siya.

Napagod siguro siya sa kakatalon kaya tumuwid siya ng tayo at dumiretso ang tingin niya sa akin. Hinawakan niya pisngi ko at hinalikan ako sa noo. This is what I like the most about him. Sunod ay yung noo ko. And the rest is history, charot. 

Bago niya ako hinalikan ay nagkatinginan muna kami, nangungusap ang kaniyang mga mata. Nagulat nalang ako kasi nagdampi ang mga labi namin sa isa't-isa. His kiss was full of love and hunger screaming for more. 

 I smiled as our lips seperate. Nginitian namin ang isa't-isa, pagkatapos ay niyakap niya ako. 

" I love you, andrea. " he whispers. I smiled. 

Ayoko ko pang sabihin muna. Hindi pa ako handa. Gusto kong masabi sakanya yon kapag desidido na ako na sabihin yon. Kapag handa na ako. Kasi kung tunay mong mahal ang isang tao, dapat handa ka. Ang pagsasabi ng ' I love you ' sa isang tao ay sagrado. Ramdam ko ang sensiridad sa bawat salitang binibitawan ni vincent. Ramdam na ramdam ko. Ilang beses niya nang pinatunayan na mahal niya ako, kaya wala akong dapat ipag-alala. Nagtiwala ako, magtitiwala ako. I am keeping those promises.

***

My First LoveWhere stories live. Discover now