Chapter 26💛

8 0 0
                                    

" Whether the destiny likes it or not

Andrea's POV

Maganda talaga yung inuna niya noh? Gaano ba ako kaganda? Sige nga, sagutin niyo nga. Ako ba'y diwata? Ako ba'y pinagpala? 

" KAIBIGAN. Naging magkaibigan tayo sa paglipas ng mga araw at alam mo bang sobrang natuwa ako nung sinabi mong mag bestfriends na tayong dalawa? Hindi ko mailarawan ang sayang nararamdaman ko. Pero ngayon, ayoko nang maging kaibigan lang. " seryosong sambit niya. The last words he said. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Pang-ilan na ba to sa mga hiningi niya? Hindi ko na kasi nabilang eh.

Naningkit ang aking mga mata, at siya naman ay natatawa na ngayon. Alam niya kaya ang nasa isip ko? 

" Pero syempre kailangan kong magpaalam sa mga kaibigan mo dahil malalagot ako sa mga yon. Ang importante pa din naman dito ay ang matamis mong oo. " matutunaw po ako sa ngiti niya. Ang pula ko na ngayon. 

" You're unbelievable! " ang tanging nasabi ko. Natawa naman siya at maya-maya'y naging seryoso ang mukha. 

Nakatingin lang ako sa bawat parte ng mukha niya. Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na ang gwapo gwapo niya? I slightly pinned his cheeks. Want to kiss his cheeks, rn. 

" Alam mo, lahat ng mga ginagawa mo, mga simpleng bagay man yan, lahat yon, kilig na kilig ako. Ang lakas mo nga eh, may posibilidad na mapapaibig mo ako. " nakangiti kong sambit habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

" Hindi pa ba kita napapaibig niyan? " tanong niya.

" Konti pa. " pabiro kong sagot. Pero ang totoo, hulog na hulog na ako at hindi ko na kayang pigilan pa to. Tangina, mahal ko na siya.

The music stop, and the moment the music stop, he kiss me on the cheek. Biglaan yon kaya nahampas ko siya ng wala sa oras.

" Magnanakaw! " sabi ko.

" Ng alin? Ng puso mo? " tanong niya sa nang-aasar na tono.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay pumunta ako sa pinakadulo ng rooftop. Kung saan makikita mo yung ibaba. Gabi na, at tanaw na tanaw ko ang nagkikinang na mga ilaw sa lugar nato.

I felt his hand in my waist, hugging me at the back. The sweetest. Gustong gusto kong ginagawa niya to. Can I ask for more?

" Nakikita mo yung mga nagkikinang na ilaw sa malayo? Ang gaganda nila. " namamangha kong sabi.

" Mas maganda yung babaeng kayakap ko ngayon. " he said those words with full of love. I smiled.

Again, he kiss my cheeks. Magnanakaw talaga. Bwisit na lalaking to. Hinampas ko ang kanyang kamay na nakahawak sa waist ko.

" Ang hilig mong magnakaw ng halik! " iritadong sabi ko.

" Sayo lang naman, aking mahal. " pagkatapos niyang sabihin yon ay dahan dahan niyang hinawakan ang aking dalawang kamay at pinag-intertwined yon. Ngayon ay nakaharap na ako sakanya.

" Kapag ang isang lalaki hinahalikan ka sa pisngi at noo, ibig sabihin nun, mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya. " seryosong sambit niya.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa pagkakasabi niya ng mga linyang yon. He is damn serious. 

" Gusto ko lang malaman mo na ang ganda ganda mo ngayong gabi. Hindi lang ngayong gabi, araw-araw maganda ka. Ikaw ang pinaka-magandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. Sana yung iba diyan, makahanap pa ng babaeng katulad mo. Nasa akin ka na eh. " nakangiti siya at mahahalata mong totoo ang mga sinabi niya. 

My First LoveWhere stories live. Discover now