75

1.3K 73 25
                                    

after a month

dear diary,

hello diary! it's me, olly. i told you, hindi ako yung tipo ng taong mahilig magsulat sa journal. sorry tamad ako huhu. isang buwan din pala ako di nakapagsulat 'no?

ayon, sa loob ng isang buwan, marami-rami rin nangyari. nag-aaral na ako dito sa korea at nagssideline pa rin ako sa LK coffee shop.

ilang buwan palang ako rito sa Korea pero feeling ko dito na ako pinanganak, sobrang sanay na sanay na ako sa buhay dito. siguro dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan ko.

oo nga pala, mas lalo kami naging close ni minho. minsan dito na siya natutulog sa apartment kapag ginagabi siya. nakasama rin namin one time yung mga mas nakababata kong kapatid. mas naging close sila kay minho compared sa'kin, wala eh, mga lalaki kasi.

si yumi naman, ayon. mas naging close kay vivi ngayon, dahil na rin sa groupchat. araw-araw kami magkachat tsaka nagvi-videocall kaya mas naging close na rin yung dalawa.

si jisung naman, cute pa rin. hihi. ayon, ganon pa rin naman? isang buwan lang naman lumipas kaya walang gaanong changes. pero okay na ako do'n. ayokong magbago si jisung, mas okay na ako na ganon siya.

and si hyunjin,

i must say, these past few days, lumalabas kalandian niya haha. kidding aside, ayon, bawat sinasabi niya tinototoo niya. typical uhm, manliligaw? yun ba yung term? hahaha. laging nagtetext at kinakamusta ako, taga hatid sundo ko kapag pumapasok ng school. actually ayoko nga na ihatid-sundo niya pa ako kasi kaya ko naman sarili ko tsaka ayoko siyang pahirapan pero gusto niya raw kasi kaya hinayaan ko na.

kung tatanungin niyo if ready na ako? hindi ko pa rin alam. we'll get there :) napatunayan naman na ni hyunjin sarili niya, sadyang di pa talaga ako handa. kapag ready na ako, why not? diba? :)

i will say good bye for now, thank you diary for being my best-est friend. thank you kasi sa'yo ko nasasabi lahat ng gusto kong sabihin kapag hindi ko masabi sa iba. thank you :) itatabi kita and someday kapag binasa ulit kita, baka i'm a different version of myself na—yung mas mature. thank you so much, diary.

all the love, olly.

-the end-

❝ insomnia ❞ | 황현진Where stories live. Discover now