69

1.1K 71 1
                                    

( a/n: long chapter ahead—hanggang chapter 71 siguro mahaba hejahsja tapos narrative rin )

Olly

Pagkagising ko, naabutan ko si Vivi na naglilinis ng apartment. Dapat one week lang siyang magsstay dito sa Korea pero ewan ko ba dito, nagustuhan siguro kaya nagextend pa ng one week.

"Uy, 'wag ka na maglinis, ako na." Sabi ko

"Ano ka ba, nakikitira na nga ako rito tapos hindi pa ako maglilinis."

"Ay wow? May lagnat ka yata?" Sabi ko sabay hawak sa noo niya

"Stop it." Sabi niya then glared at me kaya napatigil ako.

Super jolly 'tong si Vivi pero kapag nagalit 'to, nakakatakot talaga.

"Ano gusto mong pagkain?" tanong ko.

"Libre mo ba?"

"Psh. Kuripot talaga." I whispered, "Oo. Libre ko."

"Uhm, samgyupsal?"

"'Yun lang?"

"Soju hehe."

"Lasinggera."

"I'm not! Nacu-curious lang ako sa lasa."

"Oo na. Balik ako agad."

"Okay. Ingat!"

"I will." I said tas lumabas na. Pagkalabas ko nakasalubong ko si Jisung tsaka Yumi.

"Hi Olly!" Bati nila sa'kin

"Hello." Sabi ko sabay ngiti.

Asan si Hyunjin?

"Namili ng pagkain si Hyunjin kasi pupunta mga kaibigan nila rito mamaya." Sabi ni Yumi sabay turo kay Jisung

"Hindi ko naman siya hinahanap?" Sabi ko

"Hindi sinabi ng bibig mo pero sinasabi ng mga mata mo." Sabi niya

"P-parang ewan. Sige na mauuna na ako." Sabi ko at dali-daling umalis.

Pagkarating ko sa grocery store, bumili ako agad ng pinapabili ni Vivi tas bumili na rin ako ng ibang dapat bilhin.

Magbabayad na sana ako nang makita ko si Hyunjin na papuntang counter. Dali-dali akong tumalikod at aalis na sana kaso too late. Nakita na yata ako ni Hyunjin tapos tinawag ako

Dahan-dahan akong humarap tas ngumiti ng pilit at lumapit sa kanya. "Uy, andito ka rin pala?" Sabi ko

"Oo. Namili ako pagkain, pupunta mga kaibigan namin ni Jisung mamaya."

"Kasama si Minho?"

"Oo. Magbabayad ka na rin ba?"

"Ah hindi pa. May hinahanap pa ako eh." Excuse ko pero ang totoo tapos na ako mamili

"Samahan na kita."

Geez. How can you act na parang wala kang sinabi sa'kin kagabi?

"Ay hindi 'wag na. Baka matagalan pa ako eh."

"Okay lang."

"Di, matatagalan talaga ako. Sige na mauna ka na para makapag-ayos ka na do'n sa apartment mo."

"Naayos na ni Jisung kaya okay lang."

"Parang baliw, mauna ka na pauwi. Matatagalan pa talaga ako."

"Ah okay?" Nakakunot-noong sabi ni Hyunjin

"Mauna na ako ah? Ingat pauwi." Sabi ko at dali-daling lumayo sa kanya

Hwang Hyunjin you're driving me crazy!

❝ insomnia ❞ | 황현진Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin