07

1.7K 97 2
                                    

Olly

Medyo maganda ang gising ko ngayon. Nakatulog na ako ng 10 hours. Kahit papaano, nabawi ko yung dalawang araw na walang tulog.

2 pm na at kakagising ko palang. 4 am na ako nakatulog kaninang umaga kasi 4 am na tumigil sa ingay 'tong kapitbahay ko.

Pagkalabas ko ng apartment ko, pumunta ako sa katabing apartment ko—kay hyunjin. Kakatok na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin

"Olly!" Tawag ni Jisung sa'kin, "'Wag mo muna katukin, baka tulog pa 'yan."

"Hindi nga niya ako pinatulog kagabi." Pagmamaktol ko

Nanlaki naman mata ni Jisung, nung una nagtataka ako kung bakit pero nagets ko rin naman agad

"Napaka-green minded!" Sabi ko, tumawa lang siya.

"Maingay ba kagabi?" Tanong niya

"Oo sobra." Sabi ko

"Kaya nagpalipat ako sa 4C eh. Dati kasi ako nakatira diyan sa 4B, magkatabi kami. Eh sobrang ingay, ayon nagpalipat ako dito."

"Hindi mo naririnig yung ingay?" Tanong ko

Umiling siya, "Nope. Naka-soundproof wall ako." Sabi niya

And that gave me an idea

"Magpa-soundproof wall kaya ako?" Sabi ko

"Ikaw bahala." Sabi niya, magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas yung pinto ni Hyunjin

"Dude, good morning." Bati ni Jisung kay Hyunjin

"Good morning."

"Musta tulog?" Tanong ni Jisung

"Ayos dude. Sarap ng tulog ko." Sabi niya. Magrereklamo na sana ako kaso hinawakan ni Jisung braso ko

"Uy ang payat pala ng braso mo."

"Huh?"

"Mauna muna ako, susunduin ko si Yumi eh." Sabi ni Hyunjin

"Yumi?" Excited na sabi ni Jisung

"Oh ayan ka na naman. Easy-han mo lang pinsan ko ha." Natatawang sabi ni Hyunjin at nauna na

"What was that for?" I asked

"Alin?"

"Uy ang payat pala ng braso mo." I said imitating his voice earlier

"About do'n, pagpasensyahan mo na si Hyunjin kung maingay siya tuwing gabi. If hindi mo na kaya yung ingay tas gusto mo na matulog, punta ka lang sa apartment ko. May extrang kwarto naman do'n. Basta 'wag mo lang papatigilin si Hyunjin, hayaan mo lang siya."

"Bakit? Ano meron?"

Umiling lang siya, "Lika sa rooftop tayo." Sabi niya. Wala na akong nagawa kundi sumunod

Ano kaya meron kay Hyunjin?

❝ insomnia ❞ | 황현진Where stories live. Discover now