13

1.5K 92 34
                                    

Olly

"Olly, gising na."

Pagkadilat ko ng mga mata ko, si Jisung unang bumungad sa'kin

Ganda naman ng umaga ko.

"Sobra ka na sa tulog, baka sumakit na ulo mo." Sabi niya. Bumangon ako at kinusot yung kanang mata ko

"Anong oras na?"

"3 pm na."

3 pm?! Hapon na?! 10 pm ako natulog kagabi so ibig sabihin..

17 hours akong nakatulog?!

"3 pm?!"

"Oo. Hindi ka namin ginising kanina kasi baka gusto mo pa matulog. Kaso hapon na kasi tsaka di ka pa kumakain."

"Ay hala sorry." Sabi ko sabay bangon ng kama

"Okay lang 'yon. Alam naman naming puyat ka ng ilang araw dahil kay Hyunjin." Sabi naman ni Yumi

"Lika na, kain ka na." Sabi ni Jisung at lumabas na. Ngumiti lang si Yumi at lumabas na rin. Nagpaalam ako saglit na babalik ng apartment ko para maligo tas babalik nalang ako.

Pagkabalik ko ng apartment, mabilisan akong nag-ayos. Aalis din kasi ako ngayon, mamimili ako ng gamit ko para rito sa apartment, ubos na kasi mga stock ko.

Babalik na sana ako ng apartment ni Jisung nang bigla akong may marinig sa apartment ni hyunjin.

Bilang dakilang tsismosa, lumapit ako sa pinto at dinikit yung tenga ko do'n.

Nagulat ako sa narinig ko.

"Olly!"

Halos humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko nang tawagin ako ni Jisung

"Uhm ano, lika kain ka na. Lalamig yung pagkain." Sabi ni Jisung sabay hila sa'kin papunta sa apartment niya

"Si Yumi?"

"Ando'n sa apartment ni hyunjin."

"Narinig ko parang umiiyak si hyunjin tas may nababasag. Ano nangyari?"

"Uhm. Ano kasi... pwedeng magpretend ka ba na kunyari walang nangyari? 'Wag mo sanang iopen up yung topic na 'yon kapag kaharap natin si Hyunjin." Sabi niya

"Ano ba meron kay hyunjin?"

"You'll know everything soon. But not now, hindi pa 'to magandang timing. But please, if meron ka man marinig o ano, just pretend na walang nangyari. Can you do that for me, Olivia?"

"'Wag mo nga ako tawaging Olivia, natatakot ako sa'yo eh." Sabi ko

He chuckled, "Please?"

"Arasso."

"Yay! Thank you, Olly!"

Gosh. I can't take this anymore. Sobra na akong naccurious!

❝ insomnia ❞ | 황현진Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon