28

1.2K 79 20
                                    

Olly

"Asan si hyunjin?" Tanong agad ni Yumi pagkapasok dito sa apartment ni Jisung. Simula kaninang paggising ko, nag-ayos lang ako tas dito na ako dumiretso.

"Naglakad-lakad lang." sagot ni jisung

"Uy wait napapansin niyo ba?" Jisung asked

"Ang alin?"

"Tatlong gabi na hindi nagpapatugtog si Hyunjin."

Oh sht.

"Oo nga eh. Usually kapag nagigising ako ng 5 am tas babalik na ako ng apartment niya, naabutan ko siyang gising tas nagpapatugtog pero ngayon hindi na."

"Ano kaya nangyari do'n?"

"Guys. May aaminin ako." Sabi ko

Napatigil silang dalawa sa ginagawa nila tas napatingin sa'kin

"Magkachat kasi kami ni hyunjin netong mga nakaraang araw tapos nagttype ako ng mga gusto kong sabihin sa kanya pero dinedelete ko. Kaso may nasend na isa." Nakayuko kong sabi

"Ano yung nasend mo?"

Huminga ano ng malalim bago nagsalita, "BakitBaAngIngayMoTuwingGabi?" Mabilis kong sabi

Nakatitig lang sila sa'kin

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya."

"Wait natatawa ako." Sabi ni Yumi

"Bakit kinikilig ako?" Sabi naman ni Jisung

"Ha?"

"Wait ah, una kasi sabi mo magkachat kayo, ni hindi nga ako machat nung mokong na 'yon sa sobrang tamad makipagchat. Pangalawa, dati rin sinabihan namin siyang itry tumigil sa pagiingay tas iba nalang gawin niya, pero di niya ginawa. Pero nung ikaw nagsabi, tumigil." Sabi ni Yumi

"What are you trying to imply, yumi?" Naniningkit kong tanong

Nagkibit-balikat lang siya, "Nothing." Sabi pa niya

"Pero bagay kayo." Biglang sabi ni Jisung

"H-huy! Parang ewan naman 'to! Hindi ah!" Sabi ko

"Yiee kinikilig." Pang-aasar nila, inirapan ko nalang silang dalawa.

"I guess, it's time na para sabihin sa'yo yung deep secrets namin kay Hyunjin." Yumi said

"After all, part ka na ng life namin kaya deserve mo na ring malaman." Sabi ni Jisung, "Ako na bahala kay Hyunjin pagbalik niya, Yumi." Sabi niya pa kay Yumi, ngumiti at tumango lang si Yumi bilang sagot.

"Tara sa rooftop?"

❝ insomnia ❞ | 황현진Where stories live. Discover now