64 | hyunjin

1.1K 65 0
                                    

continuation of chapter 63

Hyunjin

"So magkapatid po si Minho-hyung tsaka si Olly?" Gulat na tanong ni Jisung. Gulat pa rin kami ni Yumi kaya tahimik lang kami

"Oo. Ganon na nga." Sabi niya. Nabalot kami ng katahimikan, hindi ko alam kung ano ba dapat gawin. Kung magsasalita ba ako o mananahimik na lamang ako.

"Pwede pakisabi kay Olly na 'wag na siya pumasok sa trabaho niya bukas? Babalikan ko siya rito."

"Okay po."

"Salamat. Mauna na pala ako, salamat ulit." Sabi nung mommy ni Lana. Nagpresinta kami na ihatid siya at hindi naman siya tumanggi. Nung nakasakay na sa sasakyan yung mommy ni Lana ay nabalot ulit kami ng katahimikan.

"Sino kaya yung nasa loob ng kotse?" Tanong ni Yumi

"Baka yun yung step father ni Olly?" Sabi naman ni Jisung

"Puntahan natin si Minho-hyung, ipaalam natin si Lana na 'di makakapasok bukas." Sabi ko. Pinuntahan namin sa bahay nila si Minho-hyung. Nagtext kasi ako, tinanong ko kung nasaan siya, sabi niya nasa bahay daw kaya sa bahay namin pinuntahan.

"Hyung, hindi muna makakapasok si Olly bukas." Sabi ni Jisung

"Bakit?"

"Pupuntahan daw siya ng mommy niya sa bahay." Sabi naman ni Yumi

"Okay. Wala namang problema do'n." Sabi ni Minho-hyung

"Magkapatid talaga kayo, hyung?" Tanong ni Jisung habang tinititigan si Minho-hyung. Natawa naman siya

"Oo. Magkapatid kami sa tatay."

"Ang galing, magkahawig nga kayo. Bakit hindi ko napansin noon 'yan?"

"Ganon talaga." Natatawang sagot ni Minho-hyung.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin kaming uuwi kami. Medyo gabi na rin kaya uwing-uwi na si Yumi.

Nung makarating kami sa apartment, napasigaw agad si Jisung.

"Yehey! Makakatulog na ako!"

"Uy shh! Baka natutulog na si Olly!" Saway ni Jisung kay Yumi

"Ay oo nga hehe sorry." Sabi ni Yumi, sakto namang biglang bumukas yung pinto ni Lana.

"Uy guys!" Sabi niya. Natahimik kaming tatlo, nakatitig lang sa kanya.

Kamukha niya nga yung mommy niya pero hawig niya yung tatay nila ni Minho-hyung kaya medyo magkahawig sila. Hindi sila yung tipong mahahalata mong magkahawig, hindi mo 'yon mapapansin hangga't hindi mo siya tititigan.

"Uhm, mukha ba akong multo? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya pero hindi kami sumagot, "Guys stop staring at me. You're creeping me out."

"Hawig niya nga si—" Bigla kong tinakpan bibig ni Jisung bago pa may masabing iba 'to.

"Sino kahawig ko?" Olly asked. Kinakabahan na kaming tatlo, hindi namin alam isasagot kay Lana. Baka madulas pa kami, yari kami kung nagkataon.

"Ay Olly, hello!" Biglang sabi ni Yumi, "Musta ka?"

"Uhh, okay naman?"

"Wag ka muna kaya pumasok sa trabaho mo bukas?"

"Ha? Bakit naman? Tsaka hindi ako nakapagpaalam kay Minho."

"Napaalam na kita. Pumayag siya." Sabi ko

"Bakit ano meron?"

"Nagpunta kasi mommy mo rito kanina, hinahanap ka. Babalik daw siya bukas kaya 'wag ka na pumasok. Baka hindi ka na naman abutan ng mommy mo."

"Pwede niya naman akong puntahan sa coffee shop?"

"Eh baka ayaw makaabala kasi nagttrabaho ka." Sabi ni Jisung

"Sabagay. Ay oo nga pala, may makakasama tayo for a week."

"Sino?"

"Si Vien, bestfriend ko."

"Babae?" Tanong ko

"Oo. Vivi nickname niya."

"Familiar yung Vivi na name, san ko ba narinig 'yon?" Mahinang sabi ni Jisung pero binalewala lang din namin. Actually familiar din siya sa'kin eh. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig.

"Pumasok ka na, Lana. Gabi na." Sabi ko

"Okay kayo rin. Good night."

"Good night." Sabi namin at nagsipasukan na kami sa kanya-kanya naming apartment.

That was so close. Jisung talaga!

❝ insomnia ❞ | 황현진Where stories live. Discover now