six

10 1 0
                                    

"Naakkkk!!! Meng!!!" Isang boses ang tumawag sa akin.
Dali dali akong lumabas ng kwarto.

"Nak,halika dito tignan mo." si Tatay pala ang tumawag sa akin at mukhang pagod na pagod siya ngunit masayang masaya.

Ipinakita niya ang papel kung saan nakalagay ang taya niya at diyaryo.

"Nakk. Nanalo tayooo!!!!!" dagdag ni tatay na sobrang saya.

Tinignan ko naman ito. Lumawak ang ngiti sa aking labi at oo nga! Nanalo nga kami!

"Ba't ang ingay dito? Anong nangyayari?" Inis na tanong ni Nanay dahil nabulabog namin siya sa sobrang ingay.

"Hal, nanalo tayo sa lotto." sobrang exageration na pagkakasambit ni tatay halos makita na akong ugat niya sa leeg at noo sa sobrang tuwa.

Nung una ay ayaw pang maniwala ni Nanay dahil nga daw mahilig magbiro kayat pinatingin namin ang taya ni Tatay at yung nasa diyaryo.

"Oo nga Hal! Panalo tayo!" Napatakip naman ito sa kaniyang bibig at parang naiiyak na.

"Hindi ko akalain na mangyayari to. Hal!" Saka siya yumakap kay Tatay at nakiyakap naman ako.

"Bukas na bukas rin at kukunin na natin yung napanalanuhan natin." Walang humpay pa rin ang galak na makikita sa mga mata ng aking mga magulang.

"Meng. Zheus." tawag samin ni Nanay.

"Po?" sagot ko naman atsaka itinigil ang pagsusulat sa diary ko habang si Nico walang emosyong tumingin kay Nanay.

"Maghanda na kayo at bukas na bukas rin ay lilipat na tayo ng bahay." masayang sabi ni Nanay.

Tama nga! Nakuha na namin ang panalo namin sa lotto, 8.2  Million. May pumunta pa dito sa bahay namin na media para lang interview-hin kami. Kase ilang months na raw na hindi pa napapanaluhan iyong jackpot at ang swerte swerte daw namin.

Yung mga kapitbahay naman namin nasa labas ng bahay. Nanghihingi ng balato. Binigyan naman sila ni Tatay at nagdonate pa siya sa isang orphanage. I think Young and old Orphanage yung name.

"Nakabili na po kayo agad ng bahay?" Gulat na tanong ko.

Kase ilang days palang ang nakakalipas.

She just nodded. "At kapag nakalipat na tayo..." Sandaling huminto si Nanay at naghintay naman kami ng sasabihin niya.

"Magbabago na ang lahat. " saka ngumiti.

Nakita ko namang ngumisi si Nico at bumalik sa ginagawa niya. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat sa diary.
















KINABUKASAN

"Wowww!!!!! Ang gandaaaa!!!" Manghang mangha ako ng makapasok kami sa bahay hindi. Mansion tama!

Tila isang panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa amin.
Sobrang laki ng bahay na ito.

"Je m'ennuie de ce manoir." si Nanay na hindi ko maintindihan ang sinabi hindi ko na lang pinansin iyon.

Hayyy sa wakas meron na kaming bagong bahay at bagong buhay...

Hindi ko aakalain na mangyayari to sa buhay namin yung magkaroon kami ng isang malaking bahay na dati ay pangarap lang ng bawat isa samin ngayon ay natupad na...

When Angel's Brought Me BackWhere stories live. Discover now