five

13 1 0
                                    

Nathalie's POV

"Haaaayyyy! Magandang buhay Pilipinas. Magandang umaga sayo Nathalie Mearge Samonte." bati ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko ngayon. Siguro may mangyayaring maganda kaya ganito ako.

Haha hula ko lang naman. Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso kung saan sila Nanay. Nakita ko na nanunuod sila ng palabas at kasama dun si Nico pati si Tatay.

"Gising na ang aming prinsesa." Saad ni Tatay ng makalingon siya sa gawi ko.

Tumabi ako kay Nico at kinuha yung isang unan sa tabi niya.

Tinignan ako ng masama ni Nico atsaka bumaling sa pinapanood sa Tv.

"Prinsesa? Si ate prinsesa?" May ka-abnormalan din pala tong kapatid ko. Sarap ihampas sa tv e.

"Haay nako. Maganda kaya yang ate mo. Prinsesa yan at ikaw ang prinsepe." Si Nanay sabay turo kay Nico.

"At kami naman ang inyong magulang. Ako ang Hari at ang Nanay nyo ang Reyna."
Sabay sabay naman kaming nagtawanan.

Sana hindi na magbago yung ganito. Sana masaya na lang kami palagi at higit sa lahat walang problema.

Pero hindi naman mangyayari na ganito lang dapat. Syempre may struggles pa rin.

"Kain ka na jan, Nak. May kanin at may ulam jan." pagaasikaso sakin ni nanay.

"Sige po nay. Ako na po ang bahala." sabi ko na papunta na kung saan nakalagay ang pagkain.

"Meng. Sama ka sakin." aya ni tatay.

"Saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.

"Sama kita. Taya tayo sa lotto tapos bili din tayo ng mga gamit mo para sa school." nakangiting sabi ni tatay.

Nahawa naman ako dahil sa ngiti niyang yun.

" Sige po Tay. Bihis lang po ako." Dali dali na akong pumasok sa kwarto ko at naghanap ng masusuot.

Nakita ko naman ang ripped jeans ko at ang favorite kong v-neck na kulay black.

Isinuot ko na iyon at nag rubber shoes ako na kulay puti.

Habang kami ay nasa daan alam kong marami ang natingin sakin pero hindi ko na lang iniintindi hangga't kasama ko si Tatay wala akong dapat ipangamba.

"Nak. Sandali lang ah taya muna ako lotto."

Iniwan nya lang ako dun sa may upuan. Habang nataya si Tatay ng lotto hindi ko maiwasang lumingon-lingon sa paligid ewan ko ba kung bakit ko naisip yun basta.

Hindi nagtagal natapos na rin si tatay mag taya sa lotto at dumiretso na kami sa bilihan ng school supplies.

Hindi ako muna kumuha ng mga notebooks na madami dahil alam kong hindi pa naman ganun kalala hahaha.

By the way 4th year na ako this coming August, atsaka hindi ako nakasali sa k to 12. Kaya ganun.

"Nak, sabi ko kung iyan lang ba yung kukunin mo?" si tatay na hindi ko alam na kinakausap pala ako.

When Angel's Brought Me BackWhere stories live. Discover now