four

23 5 0
                                    

THIRD POV

"Shaian(sha-yan). Ano bang nandidito?" tanong ng lalaki sa babae.

Itinuro niya yung nasa loob ng malaking kulungan.

"Wag ka jan. Magagalit sayo ang nakatataas." pagbibigay ng babala ng babae at hinatak niya ito.

"Eh bakit? Masama bang buksan to?" curious na curious na tanong ng lalaki.

"Ah basta. Kapag binuksan mo yan magagalit sayo ang nasa itaas kaya kung ako sayo halika na." pilit na pinapaalis ng babae ang lalaki sa isang malaking kulungan na hindi dapat buksan na kahit na sino man.

"Shaian. Tignan natin." pagpupumilit ng lalaki.

"Tigilan mo na nga. Magagalit talaga sayo ang nakatataas." yung babae na patuloy pinagbabawalan na huwag buksan ang kulungan.

"Titignan lang naman natin e." pagpupumilit nya talaga.

"Bahala ka jan. Kapag ikaw nakita ng nasa itaas lagot ka." tuluyan ng iniwan ng babae ang lalaki dun malapit sa kulungan.

"Pssst." Ang boses ay nanggagaling sa kulungan.

Kung saan may isang maliit na butas na tanging mata mo lamang ang makakakita.

"Huh? Sino yun?" curious na tanong ng binata sa sarili.

"Pssst. Tulungan mo ako." Saad ng dalagang nakakulong.

"Bakit naman kita tutulungan?" Matapang na saad ng binata.

Ngunit may paghanga sa boses nito dahil sa mata palang ng dalaga ay maganda na. What more kapag nakita niya yung buong mukha nito.

Pinakatitigan niya ang mata ng dalaga at nakita niya na hindi lang basta normal na mata.

She has a mint green eyes at singkit pa ang mata nito na sinabayan ng mahabang pilik mata.

"Alam mo kase, ikinulong nila ako dito. Wala naman akong ginagawang masama. " malungkot na sabi ng dalaga.

Napakunot naman ang noo ng binata dahil narinig niya na umiiyak ito.

Umiiyak ba siya?!

"Pasensiya na ah. Hindi ko lang talaga napigilan." Saka nagpunas ng luha.

"Oh wag ka ng malungkot at umiyak. Ano bang pwede kong maitulong sa iyo?" Saad ng binata at may awa sa boses nito.

"Hanapin mo yung susi." Biglang may sumilay na ngisi sa mga labi ng dalaga.

Ngunit hindi naman kita ito ng binata. Hinanap niya ang susi matapos ang ilang minutong paghahanap ay natagpuan na niya ito.

Ang susi ay nakalagay sa isang maliit na box na nakadikit sa pader na malapit sa kulungan.

Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang susi na kulay silver at may heart na design.

Ipinasok na niya iyon sa padlocked at bumukas na ito.

Unti unti niyang tinignan ang dalaga na nakagown na kulay pink at tila papunta sa isang debut.

Hindi agad nakagalaw ang lalaki sa kinatatayuan nito dahil nabighani sa napakagandang mukha ng dalaga.

Isang ngisi ang ibinungad sa kaniya ng dalaga ng mabuksan agad ang kulungan.

She gave him an evil smile tsaka pinatulog ito.

Nalaman ng nakatataas ang ginawa ng binata.

"Hindi mo ba alam na ang pinalaya mo ay isang demonyo?" Sabi ng nakatataas sa binata.

"Patawarin nyo po ako. Hindi ko po sinasadya. Ang sabi niya po kase gusto niyang lumabas dahil ilang taon na po siyang nakakulong doon at umiiyak po siya kanina. Naawa po ako sa kaniya." Pagpapaliwanag ng binata at tila naiiyak na.

"Ngunit, hindi sapat na rason yun upang pagbigyan mo. Dahil jan, parurusahan kita."

"Patawarin nyo po ako. Hindi ko na po uulitin." pagmamakaawa ng binata.

"Alam mo ang kaparusahan sa mga katulad mong may ginawang mali."

"At hindi ko pwedeng palagpasin ang ginawa mo."
Dugtong pa nito.

Nakatungo na lang ang binata dahil hindi alam ang kaniyang gagawin.

"Pababalikin kita kung saan ka unang nagkaroon ng kamalayan."

"Patawarin niyo na po ako." Nakaluhod na sabi ng binata at tila paiyak na ito.

"Patawad rin ngunit hindi maaari. Maghanda ka na may maya maya'y ipadadala na kita sa mundo ng mga tao."

"Sige po." sabi ng binata at pumunta sa gitna dahil doon ang lugar papuntang mundo ng mga tao.

"Pero ano pong gagawin ko dun?" Dugtong pa nito.

"Isang misyon."

Tumingin siya sa mga kasamahan niya at maging sila ay naiiyak dahil sa pag alis niya.

"Hindi kita pagkakaitan ng kapangyarihan. Pero, hindi mo pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo sa mga walang kabuluhang bagay. Gamitin mo ito upang makatulong at mapabuti ang mga tao." Pagpapaalala ng nakatataas.

"Dalhin mo ang libro na ito." Ibinigay sa kaniya ang libro na kulay brown at ang kapal nito.

"Buksan mo iyan kapag nagawa mo na ang unang palatandaan at ang ikalawa." Ngumiti ito at naghanda na ngunit nagsalita ang binata.

"Paano ko po malalaman kung nagawa ko na ang unang palatandaan?at ang ikalawa?" Kunot noong tanong ng binata sa nakatataas.

Ngumiti lang ang nakatataas at pinaghanda na siya.

When Angel's Brought Me BackМесто, где живут истории. Откройте их для себя