one

33 2 0
                                    

"Nay san na po sila tatay?" Tanong ko kay nanay habang nag aayos ng pagkain.

"Susunod na yun anak, alam mo naman taya ng taya sa lotto pero wala namang nangyayari." pabirong sabi ni nanay.

Nakitawa na lang din ako pagkatapos nun ay umupo na ako sa upuan gayun din si nanay para kumain.

Maya maya pa ay dumating na sila tatay kasama ang aking kapatid na bunso.

"Tay kain na po tayo." aya ko sa kanya.

"Haayss sige nak. Talo na naman tayo sa lotto!"bulahaw ni tatay.

"Naku!kung ako sayo tigilan mo na yan. Baka gayahin kapa nyang si Nico." na ininguso ni Nanay.

"Hindi po ako gagaya kay tatay." mabilis na sagot ni nico na parang walang emosyon.

"Mabuti naman" saad ni tatay saka tinapik tapik ang ulo ni Nico.

Ako naman ay tuloy tuloy lang sa pagkain paminsan minsan nakikitawa sa kanila.

Nga pala ako si Nathalie Mearge Samonte. Sabi nila pangmayaman daw yung pangalan ko. Gayong mababang uri lang naman daw akong tao. Or should I called it MAHIRAP, 17 years old Mear ang kadalasan tawag sakin pagsalabas ako ng bahay pero pagnasa loob ang tawag sakin ay Meng.

Ewan ko kung bakit sa dinami-rami ng nickname, Meng pa talaga ang pinalayaw sakin.

Meron akong kapatid ayun ay si Nico Zheus Samonte. Mahal na mahal ko yan kase sya lang yung nag iisa kong kapatid.

He's 15 years old. Matangkad sya at talaga namang nakakaakit ang kagwapuhan. Most of the girl tinatanong kung kaano ano ko daw sya.

They thought we were in a relationship pero ang tooo kapatid ko sya.

Hindi nga sila naniniwala e. But I just let them. Ayaw nilang maniwala.

So Hindi ko ipipilit.

"Meng." tawag sakin ni nanay na syang nagpabalik sa aking ulirat.

"Aahhh po?! May sinasabi kayo?" Gulat na tanong ko.

"Wala naman!parang lalim ng iniisip mo." sagot naman ni nanay.

"Wala, wala po. " nakangiting sabi ko sa kanya.

"Meng umalis na pala yung tatay mo. Hindi ka man lang nag paalam." akmang susubo si nanay.

"Ah umalis na po pala." alanganin kong sagot.

"Nak? Kelan ulit pasukan nyo? Anong buwan?" Mahinang tanong ni nanay.

Tumayo ako para tignan yung kalendaryo at bumalik sa kinauupuan.

"Nay sa august po, first week ng August. " sagot ko sa kanya.

"Ah ganun ba?" Tumingin si Nanay sa orasan.

"Nak!aalis nako punta na ako sa palengke." pagpapaalam ni nanay.

"Ikaw na bahala kay Nico ah."pahabol pa nito
Tumango na lang ako bilang sagot.

"Nico. Halika dito" tawag ni nanay kay Nico.

"Wag matigas ang ulo ha!" si nanay na nagpapaalam na kay Nico sabay hinalikan kami sa pisngi.

"Opo Nay! Malaki na naman na po ako e" pagmamalaki nya.

"Hindi na ako kailangang bantayan ni Ate. Remember? 15 years old na po ako"

Napaisip naman ako. Parang mas mature pa mag isip sakin tong si Nico.

When Angel's Brought Me BackWhere stories live. Discover now