three

28 1 0
                                    

"Waaaahhhhh"

"Nak. Gising. Binabangungot ka!" Isang tinig ng babae ang aking narinig.

Bumangon naman ako sa pagkakahiga.

"Nay!" singhap ko sa pagkakabangon.

"Nak. Binabangungot ka." May pag-aalala sa boses ni Nanay.

Niyakap ako ni nanay bilang pangkomporta.

"Ano ba yung napanaginipan mo?" Si nanay na nag aalala na sa lagay ko.

napalunok ako. Pilit na inaalala yung mga napanaginipan ko.

"H-hindi ko po maalala. A-ang sakit ng ulo ko."

"Kung ano man Ang napanaginipan mo hindi yun totoo. Dahil kabaligtaran ang ibig sabihin ng mga napapanaginipan natin." Ngumiti sya bilang pagpapalakas ng loob.

"Bumangon ka na dyan. Aalis tayo." dugtong pa nito.

"Sige po Nay. Susunod na po ako." mabilis kong tugon sa kanya.

"Bilisan mo ah." At tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Bumangon na ako at bigla na naman akong nahilo napahawak ako sa aking ulo.

"Arrrgghh." iling ko.

"Bakit ang sakit sakit ng ulo ko?" pabulong na tanong ko sa sarili ko.

Naligo na ako at Nag-ayos. Nakasuot lang ako ng skinny jeans at black and white na checkered pang-itaas atsaka nagsuot na ako ng flat shoes ko.

"Nak. Okay ka na ba?" nagaalala paring tanong ni Nanay ng makalabas ako ng aking kwarto.

Tumango na lang ako bilang sagot. Ang totoo kumikirot pa rin yung ulo ko.

Ayoko lang sabihin kina Nanay baka kase mag-alala pa sila at iwan pa ako dito.

Nakasuot naman si Nanay ng fitted na Dress na kulay pink at kitang kita ang hubog ng katawan nya at ang kaputian nya saka nakaflat shoes din sya na black.

Habang si Tatay naman ay nakapolo na kulay blue at pants saka rubber shoes.

Nakita ko naman si Nico na kalalabas lang ng kwarto nya.

Nakasuot sya ng V-neck na long sleeves na color black at naka tokong na hanggang tuhod saka na ka stripped na sapatos na color brown. Which is perfectly suits on his.

"Oh sya tara na. Baka malate pa tayo sa simbahan." Aya naman ni tatay.

Naglakad na kami papalabas ng bahay atsaka pumara si Tatay ng jeep para dun kami sumakay.

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating narin kami dito sa simbahan naghanap kami ng mauupuan.

Bagama't hindi pa nagsisimula ang misa ay lumingon-lingon ako dahil hindi pa rin ako nakakahanap ng upuan dahil sila Nanay ay nakahanap na.

Pagkatapos ng ilang segundo nakahanap naman ako at dun umupo hindi nagtagal ay nagumpisa na rin ang misa.

Maya maya ay may tumabi sa akin isang lalaki hindi ko na tinignan yung mukha nya kase wala naman akong hilig sa mga ganyan.

"Tumayo ang lahat at maghawak hawak ng kamay at sabay sabay nating awitin ang ama namin." sabi ng pari
Napatingin naman ako sa lalaking tumabi sakin dahil nahihiya ako I decided not to hold his hand.

When Angel's Brought Me BackWhere stories live. Discover now