"Hello Ms. Bautista." sinabi niya ng nakangiti at nakapagshake hands ako sa kanya. 

"Upo ka" ngumiti ako at sinabi sa kanya yun. 

"So i heard that you have an amnesia?" pagtatanong niya. 

"Yes.." huminga ako ng malalim. Ewan ko ba sana pag may amnesia ka,nakakalimutan mo na rin yung word na amnesia. Nakakawalang gana kapag nalalaman kong nagka-amnesia ako,lahat ng bagay nakalimutan ko. 

"It's okay, sabi naman ng mom mo na okay na ang memory mo. So baka di mo pa ko natatandaan.. I'm Felicia C. Santos." sinabi niya ng nakangita. Felicia... okay. 

"Hi! Sorry ah di kita natandaan. Nagkakilala na naman siguro tayo?" nagisip muna siya at ngumiti ulit siya sakin 

"Yes. Nung event ng mga magazine publisher.. And ka-schoolmate kasi kita. Lagi na nga ng pinagbago mo ngayon eh." sinabi niya

"Talaga? Wow! Sorry talaga di kita natandaan." tumayo ako at nagtimpla ng coffee para sa kanya. 

"Thanks" nung inabot ko sa kanya ang coffee.. 

Habang iniinom niya ang coffee, tinitignan ko lang din siya. PAKIRAMDAM KO TALAGA KILALA KO NA SIYA EH . 

"So, Suzzane, sinabi na ba sa iyo ng boss mo or niyo na bibilhin namin yung company." napatigil ako sa paginom ng coffee. So totoo nga, pero akala ko ba di pumayag si Sir? 

"Uhm, yes." 

"Sorry kung nabigla kita. Napansin kasi namin na bumababa yung sales ng magazine niyo. Sorry for my word ah." sinabi niya at parang nakapout pa siya. 

"It's okay. So sinabi na rin ba ng boss namin na hindi siya papayag?" nawala ang pout niya at natawa siya sa sarili niya. 

"Yes, and i'm here to have a deal with you." 

Tinitigan ko lang siya ng tingin na nagtatanong kung ano yun. 

"Kapag tumaas ang sales ng magazine niyo this November, then hindi na namin bibilhin yung magazine niyo. We choose Red kasi alam namin na mas mapapaganda pa namin yang company niyo. Wag kayong mag-alala, kapag nabili namin.. Kung gusto niyo maghire, edi go" ngumiti ulit siya . 

"So are you saying that we can't make our company better? Nakakasiguro na ba kayong mabibili niyo agad?" tinanong ko siya. ewan ko parang nakakadisappoint lang siyang kausap. 

"Hindi naman. Haha. Kaya namin bilhin ang Red company. Sayang naman kung magsasayang kayo ng budget kung wala naman bibili sa magazines niyo." NOW I'M GETTING MAD. 

"Just. Give. Us. Time." ngumiti ako.

"So, are you in?" tinanong niya. 

"Yes." 

**************************************************************************

"ATE! WHY DID YOU SAY YES?!" sigaw ni Coleen sakin. 

Nandito na ko sa bahay. Kinwento ko sa kanya nangyare. 

"Basta. Para naman mabigo sila kung nalaman nilang tumaas yung sales namin kesa sa kanila. Kaya namin to,dati top 1 kami sa magazine charts tapos 8 lang sila or 7. Basta kaya namin to." pagpipilit ko habang nagbibihis ako sa closet. 

"Pero ate, paano kung sa GLAM mas maraming sales, edi ikaw pa nasisi ng mga workers na matatanggalan ng trabaho? Ate, matagal kang nawala sa work. 2 months din ata bumaba ang sales ng Red. Nataasan na nga kayo sa charts eh." sinabi ni Coleen. 

Nung natapos akong magbihis humiga na ko. Nakikinig pa rin ako sa kanya. Basta kaya naman namin to eh. 

"Ate, pwede ka namang humindi, kasi company niyo naman yan. You can refuse to their offers if you want to." humiga narin siya. Gabi narin kasi. 

"Oo na Coleen, let's pray nalang." 

Nagroll eyes nalang si Coleen sakin at nagdasal nalang kami bago matulog. Pagkatapos naming magdasal, tinanong ko si Coleen. 

"Coleen?" 

"Hmm?" tumingin siya sakin. 

"May Felicia bang umepal sa buhay ko." nanlaki ang mga mata niya at tumingin sakin. 

"Teka bakit?" pagtatanong ko sa kanya. Parang nakakita ng multo eh. 

Lumapit siya agad sakin at tinanong na.. 

"BAKIT SAN MO SIYA NAKITA?" pagtatanong niya 

"Siya ang may ari ng GLAM ano ba!" humiga siya agad at nagacting na nahimatay. 

"HUY! BAKIT BA!" ginigising ko siya at dumilat siya. 

"Oo,umepal si Felicia, Felicia Santos sa buhay mo." kinabahan ako bigla. Di tuloy ako nakatulog ng maaga.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now