Part 92

117 0 0
                                    


"HINDI KA NIYA GUSTO"

Tama na.
Hindi ka niya gusto.
Hindi ka niya iniisip at wala siyang pakealam sa'yo.
Itigil mo na ang pag-iisip sa kanya at matulog ka na.
Kung gusto ka nya, iyong mga mensahe mo dapat sinasagot niya.
Dapat kapag nagkakasalubong kayo, pinapansin ka niya.
Kung gusto ka niya, hindi ka dapat gabi-gabing nag-iisip kung may pakealam ba siya.
Tama na.
Ipahinga mo na iyang isip mong palagi na lamang niyang ginugulo.
Hindi ka niya gusto.
Paulit-ulit kong sasabihin sa'yo ng tumatak sa isip mo.
Isarado mo na ang baul ng inyong nakaraan na kakaunti lang naman ang laman ngunit palagi
mong binubuksan kahit na ang dulot lang sa'yo ay kalungkutan.
Tama na kaibigan.
Alisin mo na sa'yong isip ang pagrereklamo, pagtatanong at pagkalito.
Dahil ngayon ay lilinawin ko na sa'yo,
hindi ka niya gusto.

-ARLENE

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon