Part 35

287 0 0
                                    

"TAGPUAN"

Isa, dalawa, tatlo, bibilang ako
Nagkakilala tayo sa isang tagpuan
Kung saan niyaya mo akong makipag habulan
Pero nung ako'y nadapa
Bigla kang nawala..
Imbis na matuwa
Ay biglang naluha.

Simula nung ikaw ay naglaho
Ang aking mundo ay biglang gumuho..
Lumabas ka na sapagka't tapos na ang laro.
Isa,dalawa,tatlo sana ako'y handa na
Handa na para ibigin at hanapin ka.
Dahil ayoko nang maulit ang isang pangyayari
Na sa ilalim ng bilog na buwan ako'y luhaan..

Isa, dalawa, tatlo
Nanaginip ako.
Sinabihan mo ako ng MAHAL KITA
Pero nang ako'y magising.
Aking naisip na ang lahat ng ito ay hindi totoo
Kaya't ako'y bumalik sa tagpuan.

Nagulat ako sa aking nakita sapagka't ikaw ay naririyan.
Pero may kasama kang iba.
Sino sya?
Kaano-ano mo sya?
Kayo ba?
May kulang pa ba?
Kung wala kang magandang dahilan
Sa tingin mo ba ikaw ay aking papakinggan??
Pagkatapos mo akong iwan..
At pinaasang hanggang dulo tayo ay magmamahalan!?

Isa, dalawa, tatlo
Umalis ka sa harapan ko!
Ubos na ang pasensya ko
Sapagka't bigla ka na lamang naglaho hindi ko alam kung saan ka hahanapin!
Umasa ko na babalik ka pa sa akin!
Anong nangyari...
Wala na. Tapos na.
Hindi na ito mangyayaring muli!

Wag ka nang humingi ng patawad
Dahil hindi mapapantayan tawad mo ang ginawa mong pagiwan sakin!
Hindi mo alam kung gaano kahirap
Dahil hindi naman ikaw yung iniwan!
Hindi mo alam kung gaano kasakit
Dahil hindi naman ikaw yung nasaktan!
Nauwi na lang ang lahat sa habulan...

Isa, dalawa, tatlo
Handa na ako..
Papatawarin kita
Dahil napipilitan lang ako...
Ok na...
Pakiusap na lang ikaw ay lumayo
Dahil wala namang TAYO
Dahil ang meron lang ay KAYO!

-ERIKA

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon