Part 39

254 0 0
                                    


"PAGPAPARAYA AT PANGHIHINAYANG"

Sinubukan kong lumapit sa iyong eksistensya
Ngunit reyalidad na ang nagdikta
Nagkakilala, nagkalapit, naging mapait
Hanggang bumitaw na sa pagkakakapit
Sisimulan ko ulit ang kwento
Nang maliwanagan ang mundo
Na hindi balewala ang aking pinupunto

Nagkakilala tayo sa isang pagkakataon
Na pagmamay-ari ka niya
Kaya aking atensyon ay binaling sa iba
Ngunit hindi tinanggal ang posibilidad
Na balang-araw, tayo'y magtatagpo
Isisiwalat ang bawat emosyon
Na naipon sa loob ng maraming taon

Nahati ang aking pagkatao at intensyon
Sa bawat pagkakataong tayo'y magkausap
Ang parte na gusto kang mahalin at angkinin
At ang parte na ayaw masira ang iyong tiwala
Gusto kitang maging masaya, kaya hind inamin
Bagkus nagpa-ubaya kahit na walang anihin
At mas masakit pa sa pagluhod sa asin

Hinanap ko ang aking sarili sa mga nagdaang taon
Na ako'y naging preso ng imahinasyon at palaboy ng reyalidad
Hindi ka nawala sa aking isip, miski sa panaginip
Mga pagkakataong ididilat ko ang aking mga mata
At tila may luha na nagmula sa tanong na,
"Paano kung tayo ang itinadhana?"
"Paano kung tayo ang nagkatuluyan?"

Pero sa pagkakataong ito
Kakalimutan na kita, 'di dahil suntok sa buwan
Na makasama ang isang tulad mo
Kundi sinayang ko ang pagkakataon
Pagkakataong binuksan mo ang iyong mundo
Ngunit pinangunahan ako ng takot na pumasok
Dahil alam kong hindi ako makakasabay sa iyong agos

Kakalimutan na kita
Dahil mahal, minahal, at minamahal pa rin kita...

-ROBIN 

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon