Part 80

126 0 0
                                    


"KATANUNGAN"

Mahal, Ako ba saiyo ay nagkulang?
Kung hindi, Bakit ako ay iyong iniwan?
Ako ba sayo'y hindi pa sapat?
O talagang sa akin ay hindi ka tapat?

Mahal ako'y palaging nagtataka
Bakit ang iba ang lagi mong inuuna?
May oras kang nakalaan para sa kanila
Bakit sa akin ay tila wala na?

May mga katanungang saakin ay bumabagabag
Na ang pagibig ko ba sa iyo ay labag?
Bakit hindi mo ako maipaglaban?
At puso ko'y lagi mo lang sinasaktan

Mahal, Isa lang ang aking masasabi
Sana sa huli ay hindi ka magsisi
Na ako ay iyong pinakawalan
At sa mundo ko ikaw ay lumisan.

-ERIKA

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon