Part 52

201 1 0
                                    


"PAALAM NA"

Noon, maglalakbay ang mga mata
At ikaw agad ang nais nilang makita
Ikaw ang naging sabjek sa lahat ng bagay na parang isang obra maestra
Pangalan mo'y kaniyang binibigkas ng walang sawa
Kahit mga kwento'y paulit-ulit pa
Sa bawat salita, sobrang saya ay makikita
Mga labi'y may matamis na ngiti at kislap din sa mga mata.
Pumasok ka kasi sa mundo niya
Sagad na sagad hanggang sa sistema niya
Nagyaya ka ng laro na ikaw mismo ang gumawa
Ikaw ang nagyaya ngunit ginawa mo siyang taya,
Siya'y nahulog sa larong iyong inihanda
Maraming sugat ang natamo niya
Malalalim ngunit hindi ininda.
Siyay naniwala,
Nahumaling sa iyong gayuma
Siya'y umasa,
Nalibang sa iyong mga pinakita
Siyay naging tanga...sobrang tanga
Ginawa kang sentro ng mundo niya
Maraming sinaraduhan para lang mapapasok ka
Pinili ka,pinili ang mahal niya kaysa sa mahal siya.
Sa iyong dilim,magbigay ng liwanag...siya'y handa
Sa iyong pagkalunod, siya ay handang iahon ka
Sa iyong mga pangarap, susuportahan ka
Sa iyong paglabo, siya ay umunawa
Sa iyong mga pagkukulang , tinanggap ka niya
Sa iyong pagkawala, hinanap ka niya
Sa iyong mga pambabalewala, naniwala pa rin siya
Sa iyong pagbitaw at paglayo, kumapit pa rin siya
Ngunit...puso moy tumitibok, tumitibok sa iba,
nagising na siya.
Ngayon...maglalakbay ang mga mata
Hindi na para makita ka pa
Maglalakbay ang mga mata
Para makita na ang sarili niya
Ihahakbang na rin ang mga paa
At iiwan ka na,
Ibabaon na sa limot lahat ng mga alaala.

-MARFANE

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon