chapter twenty-two

Start from the beginning
                                    

Nag-umpisa nang maglakbay ang palad kong kanina ay nasa mukha nito, pumaibaba iyon hanggang sa may katamtamang laki na hinaharap nito. Humahaplos, dumadama, at pumipisil doon kaya naman napapasinghap ito sa bibig niya. Kaysarap sa pakiramdam niya ang bawat pagdama niya sa katawan ng babaeng tanging bumihag ng totoo sa puso niya. Ngunit bigla ang balik niya sa realidad ng pumasok sa isip niya ang posibilidad na kapatid niya ito, kaya para siyang napaso na tumigil at tumayo mula sa pagkakadapa niya sa ibabaw nito.

"Glaiza, why did you stop?" Nagtatakang bumangon na din ito. Hinawakan siya nito sa kanyang likod.

Nakaupo na kasi siya at sapo niya ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

"Hey? What's wrong? Masakit ba ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong nito. "Wait, ikukuha lang kita ng water." Tumayo na nga ito at agad na nagtungo sa kitchen.

Pagbalik nito ay pinainom siya sa basong dala nito. Bahagya lang siyang uminom dahil hindi naman talaga siya nauuhaw.

"Sa kwarto muna ako, ha." Sabi ko.

"Okay." Sagot nalang nito ng umalis na nga siya.

Patihaya siyang nahiga sa kanilang kama at ipinatong niya ang braso sa kanyang noo. Alam niyang nabitin niya si Rhian. Pero hindi niya talaga ito kayang galawin dahil laging pumapasok sa isip niya ang posibilidad na kapatid nga niya ito. Ang totoo ay mula ng dumating sila dito, mula ng magsama sila pagkatapos nilang magtanan ay wala pa talagang nangyayari sa kanila. Hindi naman niya masabi kay Rhian ng harapan na hindi niya kayang makipagtalik dito hanggat nasa isip niya ang sinabi ng Daddy nito. Oo nga at sobra niya itong mahal, pero ibang usapan kasi pag may too much affection ng involve, e.

Parang gusto niya tuloy malaman kung totoo nga bang anak din siya ng Ama nito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang jacket, wallet, at susi ng kotse, saka siya lumabas.

"Labas lang ako, love." Pamamaalam ko kay Rhian na nasa sala pa din.

"San ang punta mo? Akala ko ba masakit ang ulo."

"May bibilhin lang ako. May ipapabili ka ba?"

"Wala, pero mag take out ka nalang ng pang dinner natin. Kahit ano na, ikaw ng bahala."

"Okay." Hinalikan ko pa muna ito sa ulo bago ako tuluyang umalis.

Nagdrive ako at sa may pinakamalapit na pay phone ako huminto. Dinayal ko ang numero namin sa bahay sa Pilipinas, long distance call. After ko makipag usap sa operator ay narinig ko na nga ang boses ng Mommy ko. At hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pagkatapos ng hello ay agad ko ng itinanong ang tanong na gumugulo sa isip ko.

"Mom, si Daddy ba talaga ang biological father ko?"

"Glaiza, ano ba namang klaseng tanong iyan?"

"Please, Mom. Sagutin mo nalang po ako ng totoo. Si Daddy ba talaga ang tunay kong ama."

"Oo, anak ka namin ng Daddy mo."

"Si Mr. Howell, ano ang kaugnayan natin sa kanya? Bakit sinasabi niyang baka daw anak niya ako. Bakit, Mom?"

"Wala kang kaugnayan kay Gareth. Siya ay nakaraan ko, pero hindi siya ang Ama mo. Anak kita sa Daddy mo. Kaya wag ka ng mag isip ng kung anu-ano."

"Iyon ba talaga ang totoo, ha Mommy?" Paninigurado ko, dahil may duda pa rin kasi talaga ako.

"Iyon ang totoo. Para kang sira. Kung gusto mo ipapadala ko sayo kung nasaan ka man ang result ng DNA nyo ng Dad mo at ni Gareth. Nag pilit din kasi siya na mag pa DNA kayo para masigurado nga niya kung anak ka daw ba niya. At negatibo ang resulta pero sa Daddy mo ay 99.9% ang result.... At kung duda ka pa din, ayain mong magpa DNA test si Rhian. Alam ko namang kasama mo iyan ngayon."

'Bakit nga ba hindi niya naisip iyon.'

"Thanks, Mom. I love you, tell Dad that i love him also. Bye." Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono kahit pa nga may sinasabi pa ang kanyang Mommy.

Sumakay na agad siya sa kanyang kotse at nagtungo sa paboritong restaurant ni Rhian, at paboritong pagkain din nito ang itinake out niya.

Habang pabalik sa kanilang bahay ay iniisip niya kung paano niya sasabihin kay Rhian na gusto niyang magpa DNA sila sa lalong madaling panahon. Sana lang pati ay pumayag ito.

Wala ito sa sala ng dumating siya, kaya naman inilapag lang niya sa lamesa ang dala niya, atsaka pinuntahan niya ito sa laundry area.

Niyakap niya ito mula sa likod, bising-busy kasi ito sa paghahanger ng mga damit nila.

"Ajan ka na pala." Bahagya siyang nilingon nito kaya naman hinalikan niya ito sa pisngi.

"Opo, kain na tayo, love." Paglalambing ko dito. Kita ko naman kasi na patapos na ito sa pagsasampay.

"Wait lang po, tatapusin ko na lang ito."

"Love, nag long distance call ako sa bahay." Sabi ko habang nakayakap pa din ako dito.

"Huh? Bakit? Kaya ka ba umalis kanina?"

Tumango lang ako. Alam ko namang ramdam nito iyon dahil nakapatong ang baba ko sa balikat nito.

"O, anong balita?"

Tapos na itong magsampay kaya naman humarap na ito sa akin.

"Pina DNA daw ako ng Daddy mo, gamit ang medical records ko at negative ang result. Sabi din naman ni Mommy ay ang Daddy ko ang biological father ko, pero-"

"Pero gusto mo pa ding makasigurado talaga kaya gusto mo akong ayain na mag pa DNA for siblings para lang sure ka na hindi nga tayo magkapatid sa Ama, ganun ba?"

"Ah, ah, love! Paano mong nabasa ang isip ko? That's exactly what im thinking right now."

"Love, hindi ako nakakabasa ng iniisip. Masyado ka lang talagang transparent at saka masyado kitang kilala. Alam ko na nag-aalala ka kung magkapatid nga ba talaga tayo. Alam kong iyon din ang dahilan kaya ayaw mo akong galawin."

"Huh? Pati yun, alam mo din."

Tumango lang ito ng nakangiti.

"Kung ganoon, ay bakit lagi mo pa din akong tinutukso."

"Excuse me lang, ha. Hindi po kita tinutukso. Masyado lang talaga akong irresistible kaya natutukso ka pa din sa akin kahit anong pigil mo."

"Ganoon? Kain na lang tayo, love. Gutom lang yan." Biro ko saka hinila ko na nga ito papasok sa kusina.

Kumain na nga kami at napagkasunduan nga namin na magpa DNA kinabukasan para na din sa ikapapanatag namin pareho.

==========================

A/n: cant sleep kaya ito nakapag update ulet.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now