chapter eleven

1.4K 73 12
                                    

Rhian's POV

Nakabalik na nga siya ng Pilipinas, at pagkalapag na pagkalapag niya ng eroplano ay agad niyang tinawagan ang private detective. Inutusan niya muli itong hanapin si Glaiza dahil nga wala naman na ito sa Korea.

After niyang makausap ito ay saka lang siya sumakay ng taxi pauwi sa bahay nila sa Alabang.

At hindi niya iniexpect na aabutan niya doon ang kinamumuhian niyang Ama. Kaya matapos niyang bumati at humalik sa kanyang Mommy ay agad na siyang umakyat sa kanyang kwarto. Tinatawag pa nga siya ng Mommy niya at pinagbibigay galang sa 'bisita' nito, pero nagbingi-bingihan lang siya.

Kinagabihan ay pinuntahan siya ni Nadine, ang eldest sister niya, sa kanyang kwarto.

"Kumain ka na." Anito sa akin, pero tiningnan ko lang ito ng nagtatanong. "Wala na si Dad. May sinabi lang naman kasi kaya pumarito."

"What is it?"

"He's dying na daw kasi, and he wants to see all of his kids na magkakasama, kaya isa-isa daw niyang pinupuntahan lahat ng naging mga anak niya sa ibat-ibang babae. Bago man lang daw sya sumakabilang-buhay ay gusto niyang magkakilala ang lahat ng mga anak daw niya." Mahabang sagot ni Nadine.

"Wow! Ilan ba lahat ng mga anak nya, bukod sa ating dalawa."

"Ang rinig ko kanina, bale six tayo lahat na puro babae. May kambal pa nga ata akong narinig. Ewan ko ba, sila lang naman ni Mom ang naguusap kanina, nag-eavesdrop lang ako."

Napaismid ako.

"Ah, narinig ko din nga pala na hindi naman pala ako ang eldest daughter ni Dad, kasi may mas matanda pa sa akin. At hindi rin ikaw ang bunso."

"Nadz, sigurado ka bang nag-eavesdrop ka lang? E parang lahat ng pinag usapan nila e alam mo na, ah."

"Hindi naman lahat, kasi may time na nahina ang mga boses nila, e. Kaya di ko tuloy marinig."

"Grabe!" Sabi ko na lang, saka inaya ko na ito pababa, dahil nagugutom na rin nga talaga ako, naalala kong sa Korea pa ako huling kumain.

---------

Dani, Jaime, Shay, and Krystal receive a message coming from their mothers, they are asking na kung pwede daw silang magsipunta sa Pilipinas, na mga ipinagtaka nila, pero may importante daw ang mga itong kailangang sabihin sa kanila na hindi maaari sa telepono lang. Kaya naman tinanong nila agad sa mga Manager nila kung pwede ba silang bigyan ng kahit isang linggo lang na bakasyon.

Si Jamie ay kinailangan pa talagang pakiusapan ng kanyang Lola pero sa huli ay pumayag din itong kitain ang kanilang Ina at kakambal.

---------

Rhian's POV

Sa isang resto nakipagkita ang mommy niya. Meron na siyang idea na tungkol sa ipinunta ng dad nila ang gustong idiscuss sa kanya nito pero hindi niya ito mahindian.

Nagtataka siya kung bakit para namang close ang resto na sinabi nito sa kanya, kaya naman tinawagan niya ito sa cellphone.

"Hello? Mom, are you sure that this is the place. Coz its close." Bungad niya pero sinabi lang nito na bukas iyon at pumasok na lang siya.

Nagtataka man ay sinunod na lang niya ito. Tutal naman ay may iba pang mga sasakyan ang nakapark doon sa parking so she assumed na baka may private event. Atsaka may nakita siyang medyo pamilyar na magandang babae (Shay) na tila ay sa restaurant din ang punta. Mas nauna itong pumasok sa kanya, kaya sumunod na lang siya dito.

Nakita naman niya agad ang kanyang Mommy at si Nadine, kaya agad na siyang lumapit sa mga ito. Nang may biglang tumawag sa kanya ng-

"Unnie?"

Lumingon siya at doon sa isang table ay tumayo at lumapit sa kanya ang excited na si Krystal.

"Krystal?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngiting-ngiti itong tumango, saka yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Oh my god, Unnie, plano ko pa lang na kontakin ka, then you are here din pala. Come, papakilala kita sa parents at Unnie Jessica ko." Dirediretsong sabi nito sabay hila sa kanya patungo sa table ng mga ito. Napalingon nalang siya kina Nadine na kunot ang noo sa kanya. Sinenyasan na lang niya ang mga ito ng wait lang. Saka nakangiti na siyang humarap sa mga kasama ni Krystal.

"Unnie Rhian, i want you to meet my dad, my mom, and my famous sister, Jessica. And guys this is Unnie Rhian my friend, she is also a famous celebrity here in the Philippines." Ngiting-ngiting sabi nito.

"Its nice to meet you po." Magalang niyang sabi saka kinamayan niya ang mga ito isa-isa.

"The pleasure is all ours, hija." Sabi ng padre de pamilyang mukhang mabait din kagaya ni Krystal.

"Maiwan ko na muna po kayo, hinihintay din po kasi ako ng mommy at ate ko. Again its nice to meet you po, and welcome po dito sa Pilipinas." Magalang niyang sabi. Tinanguan lang naman siya ng mga ito saka nagpasalamat. "Dito muna ko, ha." Baling naman niya kay Krystal. Bahagya pa niyang pinisil ang palad nitong nakahawak sa kamay niya.

"Unnie, labas tayo some other, okey?"

Tumango lang siya saka tuluyan na siyang umalis sa table ng mga ito para pumunta sa table ng mga mommy niya.

"Oh, my god! Yon, you know them?" Excited na tanong sa kanya ni Nadine pagkaupong-pagkaupo pa lang niya.

Nagtatakang tumingin at tumango lang siya dito.

"Oh my god, they are the famous Jung Sisters. Waah!" Walang tunog na tili nito.

"Nadine, get your acts together. Para kang super k-pop fan dyan."

"Because i am, sis! Favor, pakilala mo naman ako sa kanila. Please."

Nag beautiful eyes pa ito sa kanya na hindi naman talaga nito gawain, kaya natawa talaga siya. Hindi niya alam na umiidolo din pala ang kapatid niya na may pagkamataas ang tingin sa sarili. As in first-time niyang makita ang side nitong iyon.

"Please, please." Pangungulit pa nito ng hindi siya sumagot agad. Kaya naman natatawa na lang siyang tumango. "Thank you, thank you, your the best sister talaga in the whole universe." Pinaghahalikan pa nito ang kamay at braso niya kaya naman napapahiya siyang tumingin sa paligid bago hinila dito ang kamay niya.

Natatawa nalang din ang mommy nila sa kanila.

---------

Tapos na silang kumain ng may lumabas na may edad na lalaki sa stage. Walang iba kung hindi ang magaling at babaero nilang Ama.

Nagsalita ito sa mic ng ewan niya kung anu-ano dahil hindi naman siya interasado. Basta ang naintindihan lang niya ay may tinatawag itong mga pangalan at isa siya at si Nadine doon, pati si Krystal?

Inulukan siya ng Mommy niya na tumayo at pumunta sa stage. Inilahad pa ni Nadine ang palad sa kanya. Kaya naman sumama na nga lang siya dito. Nakatayo na din sa stage si Krystal at iyong magandang babae na nakita niya kanina sa parking, at may isa pang babae na medyo kamukha nito.

"Where is Daniella?" Tanong ng Ama niya na inilibot ang tingin sa buong resto.

Pati silang lima ay nakihanap din, marahil ay dahil sa curious sila sa kung sino ang isa pang hinahanap ni Mr. Howell. At tila sagot sa tanong nito ay bumukas ang pinto ng resto at pumasok doon ng parang slowmo ang isang pares na ng makilala nila ang isa ay sabay-sabay pa silang bumigkas sa pangalan nito.

"Glaiza?"

Nagkatinginan silang lima na parang nagtatanungan kung paano nila nakilala si Glaiza. Bago bumalik ang tingin nila sa babaeng kilala nilang lima. At pati na rin sa kasama nitong marahil ay iyong Daniella na hinahanap.

==========================
A/n:
😂 i can imagine kung ano ang itsura ni glai sa tagpong yun, natatawa ako 😂

Riot na ba?

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now