chapter thirteen

1.3K 72 8
                                    

Glaiza's POV

Dinala siya ni Krystal sa isang hotel na marahil ay tinutuluyan ng mga ito dahil napansin niya agad ang tatlong mga luggage na parang hindi pa nabubuksan.

"Naniniwala na ako ngayon kay Unnie Victoria." Anito habang nagtatangal ng sapatos.

Nakakunot noong napatingin lang siya dito, nakatayo pa din siya sa makapasok sa pinto.

"Na certified playgirl ka nga. The evidence are my four half sisters."

"Friendly lang kaya ako, na misinterpret lang ng mga kapatid mo." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili atsaka iyon naman talaga ang totoo.

"Sus! Unnie, iba ka din nga talaga e, no. Huling-huli ka na, e lulusot ka pa talaga."

Magsasalita pa sana siya pero agad nitong dinugsungan ang sinabi nito.

"Alam mo ba, Unnie im starting to like you na, back when we are in Korea. Kaya lang umalis ka na nga, then ngayon naman nakita kita ulet ay nasaksihan ko mismo ang pagiging player mo kaya para lang bubbles ang feeling ko sayo, bigla na lang ' puff ' gone."

Talagang may hand gesture pa ito kaya naman hindi niya naiwasang matawa.

"Hey! Bakit ka tumatawa?"

"You're so cute kasi, e." Pinisil niya ng bahagya ang pisngi nito saka ginulo-gulo pa niya ang buhok nito.

"Hey!" Maktol nito at pumadyak pa.

"Teka nga pala! May itatanong nga pala ako sayo." Pag iiba niya ng usapan at para din mawala na ang simangot nito.

"What is it?"

"Bakit mo nasabing namiss ako ng Unnie Rhian mo? Totoo ba iyon?"

Hindi ito sumagot pero bigla siya nitong nginisihan.

"Hoy! Bakit nga?"

"Hmm! Unnie, wala na kasing libre ngayon dito sa mundong ibabaw. Kaya ano ang kaya mong ibigay kapalit ng sagot ko sa mga tanong mo?"

"Ano?"

"You heard me."

Tinitigan niya ito at ng makita niyang seryoso talaga ito, ay napa buntong hininga na lang siya. Hindi maikakaila na magkapatid nga ito at si Rhian. Naalala niya noon na inaya niya itong sumama sa kanya para maipakilala niya sa mga katropa niya, akalain mong siningil siya nito ng talent fee. Sabi pa nito ay wala na daw libre dito sa mundong ibabaw idagdag pang busy daw itong tao at isisingit lang nito ang lakad nila kung babayadan niya ito. Bumayad nga siya pero ng ihatid niya ito pauwi at makababa ito ng kotse nya ay nakita niya sa passenger  seat ang perang ibinayad niya dito na may kasamang sulat sa tissue - im just kidding, Glaiza. For you, Im always available 😘. Tapos kinatok nito ang side mirror sa tabi niya at ng ibaba niya iyon ay bigla siya nitong hinalikan sa labi saka tuluyan ng nagbabye sa kanya. Napangiti tuloy siya sa alalang iyon.

"Hey! Unnie, ano na naman ikinangingiti mo dyan?" Untag sa kanya nito with matching sundot pa sa braso niya.

"Wala, bigla ko lang naalala na halos madami nga kayong pagkakapareho ni Rhian."

"Ah, kaya pala na crushan mo ko dati." Tumatawang sabi nito. Kaya natawa nalang din siya. "Teka muna di ba may tinatanong ka saken kanina. Gusto mo pa bang malaman o di bale nalang." Pagpapaalala nito.

"E, magkano ba ang talent fee mo?" Pakikisakay na lang niya.

"Hmm!" Saglit itong nagisip at maya-maya ay ibinulong na nito sa kanya.

"Ang mahal naman!" Angal niya.

"Discounted na kaya yun. Saka di ko lang naman sasagutin mga tanong mo e, may bonus pa yun. Ano, Unnie? payag ka na?"

"Sige na nga. Siguraduhin mo lang na worth it ang ibabayad ko, ha." Paninigurado niya.

Tumango ito at nag sign ng approve at kumindat pa. Naisip niya, siguro kung hindi lang okupado na ang puso niya, baka ito na ang liligawan niya napaka cute at charming naman kasi nitong talaga.

------------

Sa restong inalisan nina Glaiza ay naiwan ang apat na magkakaharap. Hindi agad nakahuma ang mga ito sa biglang paghila dito ng bunso nila at pagtakbo ng walang likod. Unang nakarecover si Daniella. At nagwika ng

"May the best half sister win!" Bago ito tumalikod na.

Hindi naman na umimik si Rhian at umalis na lang din ito at inaya na ang Ina at si Nadine.

Naiwan ang kambal at masama ang tingin ni Jamie kay Shay dahil ang tingin talaga niya dito noon pa man ay isang kakumpitensya.

"I will make sure na ako ang mananalo this time!" Sabi nito saka umalis na din.

At maya maya pa ay umalis na din si Shay.

Nasaksihan lahat ni Mr. Howell ang ganap sa limang anak at hindi nga ito nagkamali ng hinala. Tila nga ata nakakarma na siya. Ipinangako niya sa sariling aayusin niya ang gusot sa pagitan ng mga anak. At uumpisahan niya iyon sa pagkausap sa babaeng pinag aagawan ng mga ito.

-------------

Rhian's POV

Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya kanina. Karibal pala niya ang lahat ng mga half sisters nila, ininclude na din niya si Krystal. At anong sinasabi niyong si Jamie na fiancee nito si Glaiza? At bakit si Daniella ang ka date nito? Tapos iyong si Shay ay nag ke claim na may something kay Glaiza? Tapos nag ala runaway bride ito kasama si Krystal? Oh God! Pinagsasakitan siya ng ulo.

"Want some pain killers?" Tanong sa kanya ni Nadine matapos siyang lingunin.

Nag insist kasi itong ipagdrive siya dahil alam nitong hindi siya okey.

"Nah, im fine."

"Yeah! You really look fine, sis." Sarcastic nitong sabi. "Pero sis, bilib nga din talaga ako dyan sa ex mo napakatinik! Pero di ba super hate mo si dad dahil sa pagiging playboy nya kaya nga nag stick ka na lang sa girl kaso they are the same pala. How ironic!"

"Sige lang, Nadz! Ipagduldulan mo pang magkatulad ang Ama mo at si Glaiza! Baka sakaling matauhan ako! At kung pati ikaw ay karibal ko din pwede bang magpaubaya ka na lang, tutal mas bata naman ako sayo."

"Correction, Ama natin. Okey! At correction ulet never akong akong na involve kay Glaiza no, lalaki ang gusto ko no. Kaya no worries ka saken! Pero player talaga si Glaiza, eh na may kaugnayan sa mga half sisters natin. Ano? You still like her pa din?"

Parang tanga lang na tumango siya. Ngayon naiintidihan na niya ang Mom nila kung bakit ito pumayag na pakasalan ang Dad nila kahit pa nga alam naman nito na napakadaming babae ni Dad. Napabuntong-hininga na lang siya.

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now