chapter three

2.1K 88 11
                                    

Pagpasok pa lang niya ng gate ay napansin na agad niya ang isang kotse na hindi pamilyar sa kanya. Tila nahihimigan na niyang iyong irereto sa kanya ang sasalubong sa pagdating niya.

Jamie's POV

Wala talaga sana siyang balak pumunta sa mansyon ng mga De Castro, pero ng makita niya ang instagram post ng kakambal niya na kasabay nito sa eroplano ang gustong ipa date sa best friend niya ay siya na mismo ang nagboluntaryo na samahan ito at ang plano nila ng best friend niya ay siya lang ang pupunta at magkukunwaring ito. Madali lamang naman iyon dahil hindi pa nami meet personally ng mag asawang De Castro ang best friend niya. Medyo iniba din niya ng kaunti ang kanyang hairstyle at make up para hindi siya mamukhaan ng mga ito.

Nang dumating siya ay eksakto namang paalis ang mag asawa. Hindi na sana siya tutuloy pero ang sabi ng mga ito ng magpakilala siya ay pumasok nalang daw siya ibinilin lang siya ng mga ito sa Mayordoma.

"May kailangan pa ba kayo, Miss?" Tanong ng maid na nagserve sa kanya ng juice at cake.

Umiling lang siya at tipid na ngumiti.

"Sige po, maiwan ko na muna po kayo." Magalang na paalam nito.

Nasa napakalaking living room siya naroon. Tumayo siya sa inuupuan niya saka lumapit sa ilang naka display na mga litrato. Hinawakan niya ang frame na naglalaman ng larawan ni Glaiza. Napakaganda nito sa kuhang iyon. Ang ngiti nito ay umaabot sa mga matang halos ay pumikit na.

"No wonder pinansin ka ng kakambal ko." Pagkausap niya dito.

Naibaba niya ang frame ng bumukas ang main door at madinig niya ang pagbati sa dumating.

Napatingin lang siya dito.

"Sina daddy at mommy?" Tanong nito matapos ilapag ang isang hindi kalakihang traveling bag.

"Kakaalis lang. May emergency meeting daw sa Cebu." Sagot ng maid.

Naglakad na ito papasok kaya nakita na siya.

"Who are you?" May kaangasang tanong nito.

Lumapit siya dito at inabot ang kamay. "Im Jamie, kaibigan ng parents ko ang parents mo."

"So, ikaw pala iyong gusto nilang ipadate sa akin?" Inabot naman nito ang kamay niya. "Im Glaiza."

"Maupo tayo." Anito matapos bitiwan ang kamay niya. At iginiya pa siya nito patungo sa sofa. "Pasensya ka na ha, medyo pagod kasi ako. As you can see, kadarating ko lang. Nakakahiya mang sabihin pero maari bang sa ibang araw na lang tayo lumabas."

Nakaramdam siya ng pagka offend, dahil parang hayagan na din nitong tinatangihan siya gayong wala pa nga siyang sinasabi. Kaya naman hindi na niya naiwasang magtaray.

"Look here, Miss De Castro. Huwag mong isipin na kaya ako narito ay dahil atat na atat akong makilala ka. For your info im just doing this for the sake of our parents. Kaya kung pwede... Kung pwede lang naman ano, ay makisama ka naman."

Bigla itong parang nataranta sa pag oout burst niya.

"Jaime, you got it wrong. I didn't  mean to offend you, okey." Hindi magkaintindihang paliwanag nito. "Geez! Okey fine. Lets go for a date." Halatang napipilitan ng sabi nito.

"Kung napipilitan ka lang ay de bale nalang! Itsura neto!" Pag iinarte niya.

"No, hindi ganoon." Pigil nito sa pag alis na sana niya. "Sorry na, please. Babawi ako. Saan mo ba gusto pumunta?"

Nang harapin niya ito ulit ay parang gusto niyang matawa sa itsura nitong nagmamakaawa.

"Follow me." Iyon lang ang sinabi niya saka nagpauna ng lumabas. Sumunod nga naman ito at kahit pa nga halata niyang may jetlag pa ito ay wala siyang pakealam. "Can we use this?" Tukoy niya sa bmw na big bike na katabi ng tatlong luxury cars. Malakas ang loob niya dahil nakapants naman siya.

"Yeah. Wait here kukunin ko lang ang susi." Saka muli na nga itong pumasok sa bahay.

Pinagmamasdan at hinihimas naman niya ng may paghanga ang features ng big bike. Masisisi ninyo ba siya, laki siya sa hirap noon na kahit ang bisikleta niya ay mukhang titimbangin sa junk shop.

"Mukhang type na type mo si monsty." Sabi ni Glaiza na hindi niya namalayang nakabalik na pala.

"Monsty ang pangalan nito?" Tanong niya. Saka nilingon ito.

"Oo, short for monster."

"Ang weird ha."

"E ganoon talaga. So, lets go?" Inabot nito sa kanya ang isang leather jacket at helmet.

Nakaayos na sila pero hindi pa din nito pinapaandar ang big bike.

"Ano pang hinihintay mo?" Hindi napigilang tanong niya.

"Yumapos ka na kasi sa akin. Aba chance mo na to, ha."

"Chance na ano?" Tumawa lang naman  ito. "Wow, Glaiza! Ang kapal mo ha!" Aniya ng ma gets ang ibig nitong sabihin.

"Im just kidding, pero kung ayaw mo talaga, e suit yourself." Anito saka biglang pinaarangkada ang bike. Sa pagkabigla niya ay muntik na siyang mahulog.

"Ano ba? Balak mo ba akong ihulog?" Inis na sabi niya sabay hampas pa sa balikat nito.

"Kaya nga kita pinanapayapos, e kaso ayaw mo naman."

"Eto na nga yayapos na, and please lang, mahal ko pa ang buhay ko kaya ayusin mo ang pag da drive mo." Aniya saka yumakap na nga sa bewang nito.

Mas pinahigpitan pa nito ang pagyakap niya saka sumaludo pa sa kanya "Yes, maam!"

Enjoy siyang sumakay sa pangarap niyang big bike, pero hindi niya inakala na maeenjoy din niyang kasama itong si Glaiza, komportable siya dito kahit ngayon lang niya ito nakilala at nakasama.

==============================

A/N: tanggina, ang bangis naman dito ni Glaiza, daming chics, lahat pay mga pinapangarap ko. -Shay, Krytal, Rhian, Dani, at Jamie. Kayo ba may crush kayo sa mga chics dito? Comment naman below 👇👇👇

I wish i had her life so beautiful and bright.🎶🎶

Half Sisters Lover (Completed)Where stories live. Discover now