"Wala talagang galang." Sabi nito atsaka huminto sa harap ng salamin malapit sa closet namin. Tumabi naman ako kay bessy bago sumagot,

"Hindi ka naman kasi kagalang galang."

"Aba't! Sinasabi ko na nga ba, hindi na dapat kami umuwi dito. Mas lalo ka lang nagiging bastos!" Halata mo sa kanyang nanggagalaiti na siya sa galit. Pulang pula na ang maputi niyang mukha at nakikitaan na din ng ugat yung leeg niya. But who cares, siya itong nag-umpisa. Pilit ko siyang nirerespeto pero siya yung gumagawa ng paraan para huwag ko siyang respetuhin.

"Pwede ba Violet, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, hindi ka welcome sa kwarto namin kaya dali dalian mo." Inis na sabi ni bessy, agad namang umirap si Auntie, kahit na nasusuklam ako sa ugali niya ay tinatawag ko pa din siyang Auntie, isa pa, naging mabait naman siya sakin noon. Ewan ko ba dyan, siguro ay nagpakitang tao lang.

"I just want to say na ang lalandi ninyo. Kebabata niyo pa tapos nagdadala na kayo ng lalaki dito? Pag-isa sa inyo ang nabuntisisa 'yong malaking kahihiyan sa pamilya natin! At maaapektuhan ang kumpanya natin kapag nagkataon!"

Biglang kumulo yung dugo ko, malalandi? Wow, coming from her.

"Excuse me? Kami talaga? Hindi ba ay mas malandi ka? Nilalandi mo ang daddy ko kaya nag-away sila ni mommy!"

Agad kong pinakalma si bessy at sinamaan ng tingin si Violet, nauubusan na talaga ako ng pasensya at respeto sa kanya, baka makalimutan kong mas matanda siya sakin.

"Pwede ba auntie? Umalis ka na!" Ngisi lang ang isinagot niya sakin.

"Bakit? Kasalanan ko bang masyado akong maganda para mahulog sakin ang daddy mo? Oh, and another thing is, don't worry sapat na ang daddy ni Venice sakin, inyong inyo na yang daddy mo."

"Walang hiya ka talaga!" Agad ko siyang nilapitan at tinulak palabas ng kwarto. Wala na akong pakialam kung mas matanda siya sakin at kung asawa siya ni daddy, ang importante ay makaalis siya sa kwarto ko dahil baka ano pang magawa ko sa kanya kapag nanatili siya dito.

Itinulak ko siya ng malakas hanggang sa tuluyan na siyang makalabas nitong kwarto, napaupo siya sa sahig at masama akong tiningnan.

"Bastos talaga! Manang mana sa ina!" Nagdilim nanaman ang paningin ko, handa na sana akong sabunutan siya ang kaso ay hinila na ako ni Maxine sa kwarto at sinarado yung pinto.

Ugh! Badtrip! Ang kapal ng mukha niyang idamay si mommy rito! Inis akong nagpunta sa kama at pinagsusuntok yung unan don.

"Bessy, shh. Tama na..." niyakap ko si bessy at sa balikat niya umiyak. Pareho kaming hindi nagsasalita, pilit niya lang akong pinapakalma at ganoon din ako sa sarili ko. Ang sakit, ang sakit kasi ni hindi ko man lang naabutan si mommy, ang sakit kasi ang akala kong magpaparamdam sakin ng yakap ng isang ina, ay siya pang mang aalipusta sa yumao kong ina..

Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni bessy para pumasok. Namamaga yung mata ko pero nagawan naman ng paraan ni bessy. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin, suot ko ang eyeglasses ko, at nagsuot din ako ng headband. Panigurado namang magiging hassle ang buong araw namin ngayon dahil pasahan ng requirements. Ayoko namang mag-ipit kaya para di maging sagabal yung maganda kong buhok ay headband na lang.

Pagkababa namin ay naabutan namin si daddy at... auntie na kumakain. May pinag-uusapan sila at panigurado namang tungkol nanaman yon sa business.

Hinalikan ni Maxine ang pisngi ni daddy at ganoon din ang ginawa ko, matapos non ay umupo na kami sa upuan namin. Magkatabi kami ni bessy habang nasa pangtatay na upuan si daddy at nasa tabi niya sa left si Auntie.

Tahimik lang kaming kumakain, tunog lang ng kutsara't plato ang maririnig mo.

"So... how's your school?" Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Alam ko namang hindi inaasahan ni daddy na sasagot ako. Isa pa, hindi naman siya interesado sa mga nangyayari sakin.

"Maayos naman po tito. Miyaki Academy is a great school."

"How about you Venice? What can you say about your school?" Natigilan ako nung tinanong ako ni daddy. Totoo ba 'to? Concern siya sakin? Concern na ulit siya sa mga kaganapan tungkol sakin?

"Your father is talking to you Venice. Can't you---"

Naputol ang pagsasalita ni Auntie ng sawayin siya ni daddy. Buti nga!

"Ayos naman po... dad," tumango lang siya atsaka na kami nagpatuloy sa pagkain ng tahimik.

Napabuntong hininga na lang ako. Hanggang kailan kaya ako makakaranas ng cold treatment kay daddy? Namimiss kona siya, yung dating siya. Pakiramdam ko nilalason ng kulay na to si daddy e. Hindi dapat Violet ang pangalan nito e, hindi dapat sa kulay nakabase ang pangalan niya. Dapat sa mga kontrabida! Kainis.

Pero ayos na to. Feeling ko ay malapit ng bumalik yung dati naming samahan. Sana nga...

A Nerd With ClassWhere stories live. Discover now