Humiwalay siya at mabilis na hinawakan ang mukha ko. Bagsak at namumula na rin ang mga mata niya pero walang luhang lumalabas.

    “Oo, naman. Mahal kita. Bakit mo naman naisipang itanong ‘yan?” Pinunasan niya ang mga luha ko. Awa na ang nakita ko sa mga mata niya.

    Napahikbi na naman ako at tumitig sa kaniya. Hindi ko na kasi alam kung maniniwala ba ako.

    Pero gusto kong umasa ro’n. Gusto kong umasa sa mga salita niya. Sana nga mahal pa ako ng asawa ko.

    Sana si Shane ang pampalipas at hindi ako na asawa niya.

    “Bryan...” Pinigilan kong humikbi. Hindi siya nagsalita at hinintay lang ako. “Please, huwag mo na ‘kong lokohin.”

    Naitikom niya ang bibig niya habang nakatitig sa mga mata kong alam kong pulang pula na sa mga oras na ‘to. Pinunasan niya ulit ang mga luha ko at sunod-sunod na tumango sa ‘kin.

    “Hon, babawi ako. Hindi kita niloloko pero babawi ako. Hayaan mo akong bumawi, please?”

    Hindi? Hanggang kailan niya sasabihin ‘yan? Hindi naman ako tanga— hindi ko pala sure.

    Wala na akong nagawa kun’di tumango at sumandal sa dibdib niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya pagkatapat ko ro’n. Umasa na naman ako na ang tibok na ‘yon ay para sa pagmamahal niya sa ‘kin.

    “Good morning, Chief. May update na po ba about sa investigation?” tanong ko matapos kong tawagan ang pulis na nag-hahandle sa kaso ko.

    Nagluluto si Bryan sa kitchen kasama si Ana. We acted normal like nothing's happened.

    “Mrs. Caranza, ang totoo niyan, hindi na namin mahanap ang bata sa lugar ninyo. Naghanap din kami sa mga kalapit lugar pero walang nakakakita sa batang ito.” Kumunot ang noo ko at napakagat sa daliri. “May nagsasabing matagal nang pulubi ang batang ‘yon doon at may mga nakakaalam kung saan ito tumatambay ngunit bigla na lang ‘tong nawala at hindi na nakita.”

    Ano naman kayang nangyari doon sa bata? Saan naman mapupunta ‘yon? I'm sure na wala siyang kakayahan na makalayo sa lugar na ‘to. Napalakad ako bigla dahil sa kaba na baka na-kidnap siya o ano. Recently pa naman may nababalita na namang child kidnapping, huwag naman sana.

    “Anong ibig sabihin mo, Chief?”

    “Tatapatin na kita, Mrs. Caranza. Mukhang malabo at mahihirapan tayong hanapin ang may-ari ng kotseng bumangga sa ‘yo. Wala tayong mga hawak na ebidensya at wala pa po kayong naibigay na tungkol sa nangyari maliban sa bata.”

    Nang tanungin nila ako noon kung sinong may galit sa akin, wala akong naisagot. Wala naman akong kilalang may galit sa ‘kin.

    “Chief, gawin n’yo ang lahat!” Napabuga ako ng hangin at napahawak na lang sa noo ko.

    Hindi puwede ‘to.

    “Pasensya na, Mrs. Caranza. Ginagawa naman po namin ang lahat.”

    “Hon? Bakit?”

    Napalingon ako kay Bryan na kalalabas lang ng kusina at kunot noong papunta sa ‘kin.

    “Si Chief,” tanging sagot ko at itinuro ang cellphone na nasa tapat pa ng tainga ko. “Sige, Chief. Update mo na lang kami.”

    Hinawakan agad ako ni Bryan pagkatapos ng call. Hinagod niya nang pataas-baba ang likod ko na parang pinapakalma ako.

    “Hindi puwedeng hindi siya mahuli,” mariing sabi ko habang nakatitig sa kaniya. “Nakaluto ka na ba?”

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Onde histórias criam vida. Descubra agora